ANTON'S ROAST CHICKEN
Yesterday December 8, 2013. Nag-attend ang aking buong pamilya ng Family Day ng aking pangalawang anak na si James sa Don Bosco Technical Collage sa Mandaluyong City.
Roasted o Fried Chicken ang natoka na pagkaing dadalhin para sa aking anak. Nung una, nagdadalawang isip ako kung magluluto ako o bibili na lang ng luto nang lechong manok o fried chicken. Oo nga at iwas pagod kung bibili na lang, pero mas mahal ang magagastos dito. Kaya naisipan kong magluto na lang at sa halip na 1 buong manok lang ay ginawa ko itong dalawa.
Ang sikat na Antons Chicken ang aking niluto. Ipinangalan ko ito sa aking bunsong anak komo gustong-gusto niya ito.
Maraming nagdala ng lechong manok. Yung iba ay yung commercial na available na lechon at yung iba naman ay lutong bahay din siguro. Alam ko naman na ang niluto ko ay hindi napahuli sa kanilang mga dala. Hehehehe.
ANTON'S ROAST CHICKEN
Mga Sangkap:
1 Whole Chicken (about 1.5 kilos)
1 head minced Garlic
10 pcs. Calamansi
1 cup Soy Sauce
Tanglad o lemon grass
1 tsp. freshly ground Pepper
2 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Paraan ng pagluluto:
1. Linisin mabuti ang loob at labas ng manok.
2. Kiskisan ng asin ang katawan at loob ng manok.
3. Sa isang bowl, paghaluin ang toyo, bawang, paminta at maggie magic sarap.
4. Ilagay sa loob ng manok ang tanglad.
5. Sa isang zip block o plastic bag, ilagay ang manok at marinade mix. I-marinade ito ng overnight.
6. Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 250 degrees sa loog ng 45 minuto hanggang 1 oras.
Ihain na may kasamang lechon sauce, catsup o toyo at calamasi.
Enjoy!!!

Comments
Regards,
Dennis