DBTC 2013 FAMILY DAY
Kagaya nang nabanggit ko sa post ko kahapon, nag-attend ang aming pamilya ng Family Day ng pangalawa kong anak na si James sa Don Bosco Technical College sa Mandaluyong na nasabay din sa ika-60 taong anibersaryo ng paaralan.
Nag-umpisa ang program sa isang Banal na Misa at pagkatapos noon ay naghanda naman ang mga mag-aaral para sa kanilang human logo na ginawa sa kanilang football field. Gamit ang robotics project ng mga mag-aaral ng paaralan ay nakuhanan ng maganda picture ang ginawa nilang human logo. Nasa taas po ang picture.
Ang picture na ito ay habang nag-po-form sila ng human logo. Salamat naman at hindi masyadong tirik ang araw para hindi masyadong mainitan ang mga bata.
Pagkatapos noon ay nagkaroon ng salo-salo sa bawat room ng mga mag-aral. Bago pa man ang okasyon ay nag-assigned na ang pamunuan kung ano ang pagkaing dadalhin ng bawat mag-aaral. Ang natoka nga sa aking anak ay ang lechong manok.
Maraming pagkain ang nadala ng bawat pamilya ng mag-aaral. May lechong manok nga, fried chicken, hotdogs on sticks, pork barbeque, spaghetti, pancit palabok, pancit guisado, cake at lechon.
Nakakatuwa ang lechon na ito. Nung buksan ko kasi ang nakabalot na papel, nagulat ang sa itsura ng lechon. Pero nung umpisahan nang kainin ito, nagulat ako kasi yung pinaka-katawan ng lechon pala ay naka-chop na ang laman. Halos wala na itong buto at puro laman na lang ang nandun. Pero buo pa rin ang balat ha. (yummy!) Ang galing talaga...hehehehe.
Bago ang masaganang salo-salo ay nagkaroon din ng maikling programa na inihanda ang mga officers ng section.
Nagbasa ng pasasalamat ang mga mag-aaral para sa kanilang mga magulang. Nagkaroon din ng mga palaro na nakasali din kami (hehehehe) at nanalo. May special song number din ang mga bata.
Masaya ang naging kabuuan ng family day na ito. Around 12:30 ay nakauwi na kami baon ang masayang alaala at masarap na pakain na aming pinagsaluhan.
Hanggang sa muli.

Comments