GINATAANG HIPON, SITAW AT KALABASA na may GINILING pa

Ang galing talaga ng gata ng niyog ano.   Ang dami kasi nitong napapasarap na pagkain.  Kahit simpleng gulay lang ay napapasarap talaga.   Yun lang may ibang tao din na hindi masyado sa pagkain ng pagkaing may gata.

Kung tutuusin, mula lang sa tira-tirang mga sangkap ang dish nating ito for today.   Yung hipon ay mula sa ibinawas ko mula dun sa sinigabng na ginawa ko.  Yung gata naman ay dun sa bibingkang malagkit.   At yung giniling naman ay mula dun sa pork burger.   Bumili na lang ako ng kaunting sitaw at kalabasa para mabuo ang dish na ito.   hehehehe.

Yes tama yung nabasa nyo.   May inilahok din akong giniling na baboy sa dish na ito.  At lalong naging masarap ang kinalabasan.   Tiyak ko mapaparami ang kain ninyo.   Hehehehe


GINATAANG HIPON, SITAW AT KALABASA na may GINILING pa

Mga Sangkap:
300 grams medium size na Hipon
2 cups Kakang Gata
1 cup Giniling na Baboy
Sitaw
Kalabasa
1 thumb size Ginger (sliced)
1 medium size Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng  pagluluto:
1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas.
2.   Isunod na agad ang giniling, sitaw at kalabasa.   Timplahan ng asin at paminta.
3.   Kung malapit nang maluto ang gulay, ilagay na ang hipon at ang gata ng niyog.
4.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy