SIMBANG GABI: Simula ng Pasko
Ang Pilipinas ang may pinaka-mahabang pagdiriwang ng Pasko. Bakit naman hindi, pagtungtong pa lang ng Ber months ay mau ilan na ding naglalagay ng palamuting pamasko sa kani-kanilang tahahanan. At sa radyo naman ay makakarinig na din tayo ng mga tugtuging pamasko.
Para sa mga Katolikong Kristyano na katulad ko, ang December 16 o ang Simbang Gabi ang opisyal na pasimula ng Pasko. 9 na araw na paghahanda bago ang araw ng kapangananakan ni Hesus.
Noong araw ng aking kabataan, nagagawa ko pa ang mag-simbang gabi sa aming probinsya sa Bulacan. Kasama ko ang aking mga kabarkada, sabay-sabay kaming naglalakad sa lamig ng umaga para mag-simba. 4 ng umaga ang simba noon. Noong araw nakukumpleto talaga namin ang simbang gabi.
At syempre pagkatapos ng simbang kabi, hindi kumpleto ang iyong pagsiba kung hindi ka makakabili at makaka-kain ng mainit na puto bumbong at bibingka. Samahan pa ng mainit na salabat ay kumpletong-kumpleto talaga ang inyong umaga. Haayyy!!!! Na miss ko tuloy ang aking kabataan.
Sana lang ay huwag nating makalimutan ang tradisyong ito nating mga Pilipino. At huwag nating kakalimutan ang tunay na diwa ng simbang gabi ng Pasko. Ang pag-alala sa kapanganakan ng ating Manunubos na si Hesus. Sana ay maging makabuluhan para sa ating lahat ang Paskong ito na darating.
Maligayang Pasko sa lahat!!!!
NOTE: Salamat kay delacruzwilma para sa picture ng puto bumbong at bibingka na ginamit ko.

Comments