@16 WITH MY LOVE ONES


Today January 31, ipinagdiriwang namin ng asawa kong si Jolly ang aming ika-16 na taong anibersaryo ng aming kasal.   Tamang-tama din naman dahil nataon din ito sa araw na walang pasok sa trabaho at sa mga paaralan ng aking mga anak dahil Chinese New Year.

Ito ang mga pagkain inihanda ko sa aming pagdiriwang:


Canton-Sotanghon con Lechon.   Ito ang inalmusal namin with matching putong puti.


Para sa panghalian, nagluto ako nitong Sinigang ma Tiyan ng Tuna.  SArap!!!


Mayroon din nitong Baked Tahong with Spinach.


At itong Turbo Broiled na Tuna Belly din

Wala namang masyadong handa.   Nagluto lang ako ng simpleng pagsasaluhan ng aming pamilya.  But for sure ishe-share ko sa inyo sa darating na mga araw ang mga recipes ng mga pagkaing ito.

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil naabot namin ang 16 na taong ito.  Hindi man ganun kadali para sa amin pero alam kong ginagabayan kami ng Diyos sa lahat ng aming mga gawain.   Alam kong hindi NIya kami pinababayaan sa mga problemang kinakaharap namin.   At alam ko sa tulong ng Poon manananatili kaming matatag sa tulong ng Kanyang Mahal na Grasya.

Maraming salamat po sa lahat ng bumati sa amin.

Comments

Anonymous said…
Sir, happy anniversary po! Ang sasarap naman ng handa niyo. Talaga pong ang trials napakarami and my prayer is for you to overcome all the difficulties you are going thru. Alam mo Sir, wish ko na sana suwertihin ako para maging instrument ako para kahit paano makatulong sa pagpapatuloy ng blog ninyo at magandang buhay para sa mga bata. Keep it up po! Let's pray po. . . Mommy Marie
Dennis said…
Maraming salamat Mommy Marie....sa patuloy mong suporta at syempre sa mga dasal na talaga namang malaki ang naitulong sa akin para ako ay magpatuloy. Makakaasa ka at ang marami pang tagasubaybay ng food blog kong ito na magpapatuloy ito hangga't nandyan kayo na patuloy na sumusuporta.

Thanks again :)

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy