CRISPY ISAW o CHICHARONG BULAKLAK

Nitong nakaraang holiday season, habang namimili kami ng mga karne at gagamitin para sa Noche Buena, nakita ko itong sariwang isaw ng baboy na ibinebenta.   Naisip ko bigla nung minsan na umuwi kami sa amin sa Bulacan at naka-tikim nito ang anak kong si James.   Nagustuhan niya ito at ni-request na magluto din daw ako nito.   Kaya nga nang makita ko ang sariwang isaw na ito binili ko na agad at yun ang plano kong gawing luto.

Dalawa ang pwedeng gawing luto sa isaw ng baboy.   Pwede itong i-paksiw at ito ngang pa-prito.   Masarap itong pang-ulam at pang-pulutan syempre.   Pwede din ito na appetizer o starter sa mga handaan.   Try nyo din po ito.   Masarap talaga.


CRISPY ISAW o CHICHARONG BULAKLAK

Mga Sangkap:
Isaw ng Baboy
Salt and pepper to taste
Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Hugasang mabuti ang sariwang isaw ng baboy.
2.   Pakuluan ito sa isang kaserola na may asin at paminta hanggang sa lumambot.
3.   Hanguin sa isang lalagyan at palamigin sandali.   Hiwain sa nais na laki.
4.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
5.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang suka na may bawang, asin at sili.

Enjoy!!!!

Comments

Unknown said…
paano po yung calamares?
Dennis said…
Hi sang.....please go to this link for calamares....http://mgalutonidennis.blogspot.com/2011/05/calamares-with-mayo-bagoong-dip.html

Thanks for the visit
Unknown said…
hi magandang araw po, natutuwa po ako sa mga recipe na pinopost nyo ang dami kong natutunan at ang mga recipe ay madaling hanapin. Gusto ko lang po sana humingi ng pabor kung maari po sana makapag post naman kayo ng mga pagkaing na kakaiba naman para sa mga fiesta at sana samahan nyo na rin ng mga dessert..salamat po and more power..god bless
Unknown said…
hi magandang araw po, natutuwa po ako sa mga recipe na pinopost nyo ang dami kong natutunan at ang mga ingredients ay madaling hanapin. Gusto ko lang po sana humingi ng pabor kung maari po sana makapag post naman kayo ng mga pagkaing na kakaiba naman para sa mga fiesta at sana samahan nyo na rin ng mga dessert..salamat po and more power..god bless

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy