PAKSIW na PATA with BANANA BLOSSOM

Naglalagay ba kayo ng banana blossom o bulaklak ng saging sa inyong paksiw na pata?   Ako dati hindi.  Sa isip ko lang, ano naman ang magagawa nito sa paksiw na pata?   Kahit sa aking Inang Lina hindi ko naman nakita na gumamit nito sa naka-gisnan kong paksiw na pata.   Dito ko lang sa Maynila nakita na nilalagyan nga nito banana blossom ang paksiw na bata.

Pero nitong huling beses na nagluto ako, nilagyan ko nito ang aking niluluto, at hindi lang kaunti kundi marami.   At nagulat ako sa kinalabasan.   Mas masarap at malasa talaga ang sabaw.   Kaya mula nun maglalagay na ako nitong bulaklak ng saging sa aking paksiw na pata.   Try nyo din po.


PAKSIW na PATA with BANANA BLOSSOM

Mga Sangkap:
1.5 kilo Pata ng Baboy
1/2 cup Banana Blossom o Bulaklak ng Saging (dried)
2 cups Cane Vinegar
1 head Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1 tsp. Pepper Corn
Salt to taste
1 tbsp. Sugar

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang lahat na mga sangkap at lagyan ng mga 3 tasang tubig.
2.   Pakuluan ito hanggang sa maluto at lumambot ang karne.   Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.  Pero katulad ng adobo mas masarap itong kainin sa kinabukasan na.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
sir walang toyo ang paksiw na pata nyo, ma subukan nga po! salamat po sa site na ito!
Dennis said…
Walang toyo naman talaga ang paksiw. Yung iba nilalagyan lang ng toyo para magka-kulay para mas maging katakamtakam ang karne. But for me, mas masarap yung simple lang. Idagdag mo na lang itong banana blossoms para mas lalo pa itong sumarap.

Thanks


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy