PORK BARBEQUE
Ito ang isa sa mga dish na ni-request at ipinaluto sa akin ng kapatid ng asawa kong si Jolly na si Lita. Bale ito ang share niya sa aming Noche Buena sa Batangas kasama yung Pancit Malabon na niluto ko nung Pasko.
Hindi kagandahan ang kuha ko ng pict sa pork barbeque na ito. Pero huwag ka, ang lasa nito ay nagustuhan talaga ng nagpaluto at lahat ng nakatikim. Bakit masarap? Pinagsama ko kasi yung tradisyunal na inihahalo sa pork babrbeque ng mga Pinoy at yung mga barbeque marinade na available sa market. Ang gusto nga ng hipag ko ay ipagtimpla ko siya nito at dadalhin daw niya sa Abu Dhabi. hehehehehe
Try nyo din po. Masarap, malasa at malambot ang karne ng Pork Barbeque na ito.
PORK BARBEQUE
Mga Sangkap:
2 kilos Pork Kasim or Pigue (hiwain sa nais na kapal at laki)
2 can 7Up or Sprite Soda
2 heads Minced Garlic
Katas mula sa 10 Calamansi
1 cup Mama Sitas Barbeque Marinade Mix
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Ground Black pepper
2 tbsp. Brown Sugar
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl paghaluin ang lahat na mga sangkap. Make sure na nakalubog ang lahat ng karne sa marinade mix. I-marinade ito ng overnight o higit pa.
2. Tuhugin sa barbeque sticks ang minarinade na karne.
3. I-ihaw ito sa mainit na baga at pahiran ng marinade mix from time to time hanggang sa maluto.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Thanks
Dennis