PORK STEW KOREAN STYLE


Wala akong maisip na pangalan para sa pork dish na ito.   Biglaan kasi ang pagkaluto ko nito at wala talagang kaplano-plano kung anong luto ang gagawin.   Basta niluto ko na lang ito kung ano ang mayroon sa aming kusina.

Actually, ang luto niya ay parang pork hamonado na para ding pork humba.    Niluto ko kasi yung pork sa pineapple juice hanggang sa lumambot.   Pero naisip kong parang Korean dish ang lasa at dating kaya nilagyan ko naman ng sesame seeds at sesame oil.   At nilagyan ko na din ng chopped spring onions para mas lalong maging katakamtakam.   Sa pag-gisa naman nilagyan ko din ng grated ginger o luya.  Masarap siya ha....try nyo din.


PORK STEW KOREAN STYLE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes)
1 can Pineapple Juice
1/3 cup Soy Sauce
1 thumb size Ginger (grated or cut into strips)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (chopped)
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Toasted Sesame Seeds
1 tsp. Sesame oil
2 tbsp. Canola Oil
Salt and pepper to taste
1 tsp. Cornstarch
Spring Onion (to garnish)

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at luya sa mantika.
2.   Ilagay na agad ang karne ng baboy at timplahan ng asin at paminta.
3.   Ilagay na din ang pineapple juice, toyo at brown sugar.   Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.   Maring lagyan ng tubig kung kinakailangan pa.
4.   Kung malambot na ang karne ilagay na ang sesame oil at tinunaw na cornstarch.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang toasted sesame seeds at chopped spring onions.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy