PISTA sa AMING BARYO
Syempre, kapag sinabing fiesta ibig sabihin nito ay walang tigil na kainan. Kaya naman ang aking pamilya ay naghanda rin ng kahit papaano bilang pasasalamat na din sa aming pintakasi na si San Pedro ng Alcantara.
Mayroong Paella Valencia na isa sa mga paborito ko.
Kare-kareng mukha ng baka na napakasarap ng pagkakaluto dahil sa lambot ng laman.
Mayroon ding hamonadong manok.
Special request ng aking Tatang Villamor itong Crispy pata.
Chop Suey na hindi ko naman natikman. hehehehe
Gumawa din ng Chicken Macaroni Salad ang kapatid kong si Shirley.
Fruit Cicktail Salad para panghimagas.
Matamis na Pakwan.
At minatamis na Garbansos.
Talaga naman nabundat ako sa mga handa ng aking kapatid.
Ika-3 ng hapon ay nagkaroon ng parada o street dancing parade. May ilang banda din na sumama sa parada at nagbigay saya sa lahat.
Kasama din sa parada ang mga grupo ng senior citizen ng aming barangay.
Mga street dancers mula sa ibat-ibang paaralan.
At syempre, ang aming pintakasi na si San Pedro ng Alcantara. Kasama din sa parada ang mga patron ng bawat barangay na nasasakupan ng parokya.
Masaya kaming lahat habang nanonood ng makulay na parada.
Nang matapos ang parada ay nagpakain naman kami ng isa sa mga banda ng musiko na sumama sa parada. Naging munting panata na kasi ito ng aking namayapang Inang Lina nung nabubuhay pa siya. Kay naman itinutuloy din ito ng aking kapatid.
Wala naman kaming ibang bisita. Ang aking din lang mga tiya at mga pinsan ang dumating.
Salamat Mahal na Poong San Pedro ng Alcantara sa lahat ng biyaya patuloy na ibinibigay ng Diyos sa amin dahil sa iyong pamamagitan. Dalangin ko na patuloy mo kaming samahan at ipinalangin sa Diyos ng mabiyaya pang mga taon.
Hanggang sa muli.
Happy Fiesta sa lahat ng taga Taal!!!!
Comments