PORK MORCON
Originally, ang morcon ay isang beef dish na pangkaraniwang nakikita lamang natin sa mga fiesta at mga importanteng okasyon. Medyo matrabaho din itong lutuin at may karamihan ang mga sangkap na ginagamit. Kaya naman hindi pa ako nakakapag-try na gumawa nito.
But this time sa kagustuhan kong makapagluto ng morcon, pinasimple ko ang mga sangkap at paraan ng pagluluto. Isa pa, sa halip na karne ng baka, karne ng baboy naman ang ginamit ko. Actually, kahit ako ay nagulat sa kinalabasan ng dish na ito. Medyo kulang-kulang ang mga sangkap na ginamit ko pero hindi natipid ang lasa at sarap ng finish product.
Ang ibabahagi ko sa inyo ay ang eksaktong mga sangkap at paraan ng pagluluto na ginawa ko. I'm sure magugustuhan nyo din ito katulad ng mga anak ko. Try nyo din po.
PORK MORCON
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (pahiwa sa butcher ng maninipis at buo)
6 pcs. Frankfurters Sausages
1 large Carrot (cut into strips)
1 large Red Bell Pepper (cut into strips)
1/2 bar Chees (cut into strips)
5 pcs. Calamansi
1/2 cup Soy Sauce
1 cup Instant Afritada Mix Sauce
1/2 tsp. Dried Basil
Salt and Pepper to taste
5 cloves Minced Garlic
1 large Red Onion (chopped)
1 pc. Tomato (chopped)
1/2 cup melted Butter
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang karne ng baboy ng katas ng calamansi, toyo, asin at paminta. Hayaan ng ilang oras. Overnight mas mainam.
2. Sa isang bandehado ilatag ang piraso ng karne ng baboy na hiniwang manipis.
3. Maglagay ng nais na dami ng frankfurters sausage, red bell pepper, carrots at cheese.
4. I-roll ito ng magigpit at saka talian ng pangurdon para hindi bumuka ang palaman. Gawin ito sa lahat ng piraso ng karne. Nasa sa inyo kung gaanong kalaking roll ang gusto ninyo.
5. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter.
6. Ilagay na ang ginawang mga pork rolls at isama na din ang marinade mix. Ilagay na din ang tomato sauce at dried basil at saka takpan. Hayaang maluto sa loob ng 20 to 30 minuto. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Palamigin muna bago hiwain sa nais na kapal.
Ihain na may sauce sa ibabaw.
Enjoy!!!!

Comments
http://enzaladang-utak.blogspot.com/
Dennis