TORTANG GINILING

Look how perfect ang ginawa kong Tortang Giniling gamit ang aking bagong toy.   hehehehe.   Yes.  Ang aking bagong ceramic na kawali.   Sobrang excited talaga akong magamit ang ceramic pan na ito sa aking mga lutuin at perfect nga kako ito sa torta dishes.

Yung pinakamaliit na kawali ang aking ginamit kaya tamang-tama sa laki ng torta na aking niluto.  Ang mainam sa kawaling ito hindi mo na kailangan lagyan ng mantika.  Pansin nyo ba na hindi mamantika ang finish product ko?   Bale yung pinang-gisa ko lang sa giniling ang ginamitan ko ng mantika.   Yung giniling na baboy naman ay lean part.  Nakakatuwa dahil maganda at masarap ang kinalabasan ng aking unang dish gamit ang aking bagong toy.   hehehehe


TORTANG GINILING

Mga Sangkap:
1/2 kilo Giniling na Baboy (lean)
2 cups Mixed Vegetables (green peas, carrots and corn)
1 large Potato (cut into small cubes)
3 tbsp. Oyster Sauce
1 large Tomato (sliced)
1 large Onion (chopped)
5 cloves Minced Garlic
3 pcs. Fresh Eggs (beaten)
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Brown Sugar

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kawali i-prito ang patatas sa mantika hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang lalagyan.
2.   Sa parehong kawali igisa ang bawang, sibuyas at kamatis
3.   Isunod na agad ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
4.   Ilagay na ang mixed vegetables, oyster sauce at brown sugar.   Halu-haluin at hayaang maluto ng mga 3 minuto.
5.   Hanguin sa isang lalagyan at palamigin sandali.
6.   Ilagay ang binating itlog sa pinalamig na nilutong giniling at haluin mabuti.
7.  Gamit ang maliit na non-stick na kawali, maglagay ng nais na dami ng niluto giniling at isalang sa katamtamang lakas ng apoy.
8.  Kung sa tingin nyo ay naluto na ang ilalim na bahagi ng torta, kumuha ng plato na mas malaki sa bilog ng kawali at itakip ito sa kawali na pinaglulutuan.   Ibaligtad ang kawali sa plato para masalin ang niluluto at ibalik muli ang torta sa kawali para maluto naman ang kabilang side.
9.  Ulitin ito sa natitira pang giniling.

Ihain ito na may kasamang catsup o sweet and chili sauce habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Anonymous said…
puede paki post ng picture ng ceramic kawali.

Thanks.
Anonymous said…
never mind, found it on the other post, thanks.
Anonymous said…
ang ganda ng torta mo mukhang masarap :)
Dennis said…
HIndi lang mukhang masarap...masarap talaga hehehehe.....try mo din.

- Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy