BEEF in OYSTER SAUCE

Hindi kami madalas kumain ng karne ng baka sa bahay.   Bukod kasi sa may kamahalan ito, medyo may katagalan din ang pagluluto o pagpapalambot nito.  Sa taas ba naman ng kuryente at presyo ng cooking gas ay iiwasan mo talaga na magluto ng ganitong putahe.   Pero syempre kung paminsan-minsan naman ay okay lang.   Hehehehe.

Dapat sana beef na may broccolli ang lutong gagawin ko sa beef na ito.  Kaso nang dumaan ako ng palengke ay wala akong nabiling broccolli.   Isip ako ng mabilis at nang makita ko itong chicharo na ito ay naisip kong iluto ito in oyster sauce.   Pareho din lang ang luto naiba lang ang gulay na naka-lahok.  

Masarap siya at nagustuhan talaga ng aking mga anak.  Naubusan nga ako eh....hehehehe.


BEEF in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket (whole slabs)
1/2 cup Oyster Sauce
150 grams Chicharo
1 medium size Carrot (cut into strips)
1 tsp. Brown sugar
1 tsp. Sesame Oil
1 tsp. Cornstarch
3 tbsp. Cooking Oil
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
1 thumb size Ginger (cut into strips)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Pakuluan ang buong karne ng baka sa kaserolang may tubig at konting asin hanggang sa lumambot.   Hanguin at palamigin.
2.   I-slice ang pinalambot na karne ng baka sa nais na laki at kapal.
3.   Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
4.   Isunod na agad ang hiniwang karne ng baka.   Halu-haluin
5.   Ilagay na din ang oyster sauce at ang hiniwang carrots at chicharo.
6.   Timplahan ng konting asina, paminta at brown sugar.  
7.   Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Mang Edwin said…
Bakit kasi pinapakuluan pa nyu ang karne ng baka? Sayang kasi ang sabaw, nandun ang linamnam at lasa. Sayang kung hindi gamitin.

So halip na pakuluan yung buong karne sa gayatin, dapat pakuluan nyu ng GAYAT o nahiwa na yung karne. Hanggang maiga sya. So walang natapong sabaw na pinagkuluan. Syempre mas masarap kasi yung lasa ay humalo sa nagayat na karne
Dennis said…
Salamat Mang Edwin. Pwede din naman at tama ang sinasabi mo. Ok naman talaga na ganyang pamamaraan ang dapat gawin. Kaso nga medyo may katagalan ang magpalambot ng karne. Kaya ang ginagawa ko, a day before pinapalambot ko na ito para gisa-gisa na lang the following day. May regular 8 hours work po kasi ako, kaya sa pagmamadali ay ganitong pamamaraan ang aking ginagawa.

Salamat po mang Edwin

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy