CRISPY CHUNKY PORK SISIG
Nitong huling grocery namin sa Robinsons Supermarket sa Galeria, may nakita akong tenga ng baboy na yung sa may pinaka-puno ng tenga ang cut. Hindi kasama masyado yung pinaka-malapad na part ng tenga. Naisip ko agad na gumawa ng tengaling o yung chinicharon na tenga. But the last minute nung nilalaga ko na ito ay nagbago ako ng isip at ginawa ko na lang na sisig.
Yes. Ang paborito ng mga anak ko at nang marami sa pork sisig. Tamang-tama naman at naka-bili din ako ng atay ng manok. Kaya ayun, ito ang naging dinner namin last Sunday.
Also, tinawag ko itong Crispy Chuncky Pork Sisig, kasi, tinurbo ko muna yung pinalambot na tenga ng baboy at saka ko ito hiniwa ng maliliit. Hindi patadtad ang ginawa dahil gusto ko nga ay yung medyo chunky ito. The same na hiwa ang ginawa ko sa atay ng manok. Kaya naman bundat na naman kaming lahat sa aming kain that night. Yummy!!!!
CRISPY CHUNKY PORK SISIG
Mga Sangkap:
6 pcs. Tenga ng Baboy (hindi kasama yung malapad na part)
300 grams Chicken Liver (cut into small pieces)
4 pcs. Siling Pang-sigang (thinly sliced)
1 pc. large White Onion (chopped)
5 cloves minced Garlic
1 thumb size Ginger (cut into small pieces)
2 tbsp. Butter or Margarine
1/3 cup White Vinegar
1 tbsp. Worcestershire Sauce
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pakuluan ang tenga ng baboy sa tubig na may asin hanggang sa lumambot. Hanguin sa pinaglagaan at palamigin.
2. Lutuin ang apat na piraso ng tenga sa turbo broiler hanggang sa pumula ito at maging crispy. Palamigin sandali.
3. Hiwain ng maliliit na piraso ang nilaga at pinalutong na tenga ng baboy. Ilagay muna sa isang lalagyan.
4. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang luya, bawang at kalhati ng hiniwang sibuyas sa butter o margarine.
5. Sunod na ilagay ang hiniwang atay ng manok at timplahan ng kaunting asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa maluto ang atay.
6. Ilagay na ang hiniwang tenga ng baboy at timplahan ng suka at worsestershire sauce. Hayaan ng isang minuto o hanggang sa maluto lang ang suka.
7. Halui-haluin at saka ilagay ang hiniwang sili at ang natira pang hiniwang sibuyas.
8. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa na may kasamang calamansi sa side.
Enjoy!!!!
PS.
Please visit my other recipes and please do not forget to click all the ADS on the side and at the bottom of every post.
Thank you,
Dennis
Comments
Favor na lang...kung may time ka paki-click na lang ng mga ADS sa bawat recipe.
Many thanks
Dennis