BONBON CHICKEN ala DENNIS
May isang Japanese-Pinoy restaurant kaming kinakainan malapit sa opisina na aking pinapasukan. Isa sa mga paboritong pagkainna ino-order namin dito ay itong Bonbon Chicken.
Sinubukan kong hanapin ang recipe nito sa net per iba ang dish na lumalabas. Kaya ng ginawa ko,sinubukan kong ire-create yng dish base samga nalasahan ko. At ito na nga kinalabasan ng aking version. Masarap...crispy....at nagustuhan talaga ng aking mga anak.
BONBON CHICKEN ala DENNIS
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (Skin on....cut into bite size pieces)
1/3 cup Oyster Sauce
1 tsp. Sesame Oil
1 tsp. Garlic Powder
1 cup Cornstarch
1 thumb size Ginger (grated)
1 tsp. Liquid Seasoning
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
Mayonaise
Spring Onion
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken fillet sa oyster sauce, grated ginger, garlic powder, liquid seasonig, asin at paminta. Overnight mas mainam.
2. Magpa-init na ng mantika sa kawali. Dapat mga 1 inch ang lalim ng mantika.
3. Ihalo ang cornstarch sa minarinade na manok.
4. I-prito ito hanggang sa maging maluto at maging crispy.
5. Hanguin saisang lalagyan.
6. Lagyan ng mayonaise sa ibabaw at ibudbd ang hiniwang spring onions.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
ps. Salamat sa lahat ng nag-message sa akin nitong nakaraan kong karamdaman. Salamat sa patuloy nyong pagsubaybay. Paki-message nyo na lang po ako kung wala pong lumalabas na ADS sa aking mga post.
Salamat po
Dennis
Comments
Dennis