BROILED DAING BANGUS ala POBRE

In my post yesterday, nai-kwento ko ang Father's Day lunch namin sa Watami na treat sa akin ng asawa kong si Jolly.   After nun, nag-grocery naman kami para sa aming pagkain for the week.   Habang nag-go-grocery nag-iisip ako ng masarap na lutuin para dinner naman.   Nung una naisip ko na mag-turbo ng pork leg o mag-crispy pata.  Kaso, may pupuntahan palang despidida party ang aking asawa kaya binago ko na lang ang plano.   Sa halip, itong broiled daing na bangus ang aking niluto.

Dapat ipi-prito ko lang ang daing na boneless bangus na ito kaso ayaw ng asawa ko ng ma-mantika na ilam.   Kaya naman naisipan kong lutuin na lang ito sa turbo broiler o i-broiled.   At ito na nga ang kinalabasan.   Isang masarap at malasang broiled daing na bangus ala pobre.



BROILED DAING BANGUS ala POBRE

Mga Sangkap:
2 pcs. Large size Boneless Bangus
1/2 cup Vinegar
1/2 cup Soy Sauce
2 heads Minced Garlic
1 tsp. Freshly Ground Pepper
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang boneless na daing na bangus.
2.   Hiwaan o gilitan ang parteng laman ng bangus.
3.   Budburan ng asin, paminta at maggie magic sarap.
4.   Sa isang bowl paghaluin ang suka, toyo at bawang.
5.   Ibuhos ito sa inasinang daing na bangus.   Hayaan ng mga 30 minuto bago lutuin.
6.   Lutuin sa turbo broiler sa pinaka-mainit na setting hanggang sa pumula ang parteng laman ng bangus at medyo tustado na ang bawang sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang toyo na may calamansi.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy