CREAMY BEEF CALDERETA
Masasabi kong ang dish na Beef Caldereta ay dish na pang espesyal lang na okasyon. Bakit naman? Bukod kasi sa may kamahalan ang karne ng baka ay marami din itong sangkap na kailangan para lutuin. Ang sinasabi ko po ay yung tradisyunal na pagluluto ng beef caldereta.
Pero ngayon pwede naman natin itong lutuin para sa ating pamilya na hindi naman kailangan talaga na kumpletong-kumpleto ang mga sangkap. But ofcourse hindi tipid sa lasa at sarap.
Kagaya nitong niluto kong version na ito ng beef caldereta. Instant caldereta mix lang ang ginamit ko at dinagdagan ko pa ng all purpose cream para mas luminamnam pa ang sauce. Sabi nga, sauce pa lang ay ulam na. hehehehe. Try nyo din po. Masarap talaga.
CREAMY BEEF CALDERETA
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket (cut into cubes)
1 sachet Mama Sita's Caldereta Mix
1 tetra brick All Purpose Cream
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
1 large Potato (cut into cubes)
1 large Carrot (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
5 cloves Minced Garlic
1 large size Onion (Sliced)
1/3 cup Melted Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola pakuluan ang karne ng baka sa tubig na may kaunting asin hanggang sa lumambot. Hanguin ang laman at itabi ang sabaw na pinaglagaan.
2. Sa parehong kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
3. Ilagay na agad ang pinalambot na baka at mga 2 tasa ng sabaw na pinaglagaan.
4. Ilagay na din ang sweet pickel relish, patatas, carrots, red bell pepper at mama sita caldereta mix. Haluin. Takpan at hayaan maluto ang gulay.
5. Tikman muna ang sauce saka timplahan ng asin at paminta.
6. Huling ilagay ang all purpose cream. Hintiyain lang kumulo at saka patayin ang kalan.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments