FATHER'S DAY LUNCH @ WATAMI GLORIETTA
Yesterday, we celebrate Father's Day by attending the 10:30am mass at Greenbelt chapel and a simple lunch at Watami Casual Japanese Restaurant at Glorietta.
First time ko pa lang maka-kain sa resto na ito at maging ang aking mga anak. Ang wife kong si Jolly ay ilang beses na ding naka-kain dito kaya inisip ko na alam na niya ang mga food dito.
Marami kang pwedeng pagpilian sa menu. Pero ganun pa man, yung mga pangkaraniwan at natikman na namin Japanese food ang aming in-order. Hehehehe.
Nag-start kami with this California maki. Masarap naman. Kaya lang parang hindi masyadong siksik yung rice kaya medyo mahirap damputin ng chopstiks.
Next ay itong ebi tempura. I don't know....parang walang lasa.
Sunod naman ay itong crispy chicken wings na ito na request ng mga bata na parang kulang din sa lasa at kulang din sa sauce.
Itong beef roll na ito ang bumawi sa lahat ng pagkaing na mentioned ko sa itaas. Slice beef siya na may palaman na spring onions. At sa lasa ko, parang teriyak sauce yung inilagay. Masarap talaga siya.
Ano nga ang tawag sa soup dish na ito? Sukiyaki ba. Basta noodles siya na may gulay, mushroom, slice beef at tofu na may manamis-namis na sabay. Ok din lang ito. Nagustuhan din ng mga bata.
Nabusog din naman ako dahil sa bottom less na ice tea. Hehehehe. But overall, may natikman na din naman ako na ibang Japanese resto na may masarap at mas malasa ang mga pagkain. Or maybe, hindi ko lang natikman ang specialty nila. Kung babalik pa ako dito? Kung ililibre ako ay okay lang. Pero kung ako ang magbabayad ay baka hindi na. hehehehe.
Happy Father' Day sa lahat ng mga ama.
Comments