MA-KREMANG SABA at NATA de COCO
Basta may pagkakataon gumagawa din ako ng dessert para sa aking pamilya. Madalas kasi naghahanap ang mga anak ko nito pagkatapos nila kumain. Madalas Sabado o Linggo ko ito ginagawa komo wala akong pasok nun sa work.
Isa sa madaling pang-himagas na pwedeng gawin ay itong minatamis na saging na saba. May ilang recipe na din ako sa archive at mapapansin nyo siguro na nilalagyan ko ito ng twist para naman maiba sa panlasa ng mga kumakain. Dun sa pinaka-huli kong ginawa ay nilagyan ko ng sago at gata ng niyog na naging pataok na patok talaga sa aking mga anak. This time nata de coco na may langka flavor at cream naman ang aking inilagay. Masarap siya at nagustuhan din ng aking mga anak.
MA-KREMANG SABA at NATA de COCO
Mga Sangkap:
12 pcs. Saging na Saba (cut into half)
1 tetra brick All Purpose Cream
5 cups Nata De Coco (Langka flavor)
White Sugar to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserol magpakulo ng 2 tasang tubig.
2. Kapag kumulo na ilagay ang hiniwang saging na saba. Takpan muli at hayaang maluto ang saging.
3. Sunod na ilagay nata de coco kasama ang syrup nito at ang puting asukal ayon sa tamis na nais. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
4. Patayain ang apoy saka ilagay naman ang all purpose cream. Halu-haluin.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang tamis.
Palamigin muna bago ihain.
Enjoy!!!!

Comments