MARBLED POTATOES with CHEESY BACON SAUCE

Maghahanda kami dapat kahit papaano nitong nakaraang tapusan sa lugar ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas.   Chinese Style Pork Asado, Roasted Chicken at itong Marbled Potatoes ang dapat na handa namin.   Kaso, marami palang inbitasyon sa amin for lunch and dinner mula sa kanilang mga kamag-anak.   Dalawa din kasi sa kanila ay nagpabinyag.

So ang nangyari, ito lang marbled potatoes at yung roasted chicken ang natuloy kong iluto.   Yung pork asado inuwi na lang namin pabalik ng Manila at dito na lang namin naiulam.  hehehehe


MARBLED POTATOES with CHEESY BACON SAUCE

Mga Sangkap:
2 kilos Marble Potatoes
500 grams Bacon (cut into small pieces)
2 cups Cheese Wiz Pimiento
1 tetra brick All Purpose Cream
1/2 cup Melted Butter
2 heads Minced Garlic
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang bawat piraso ng marbled potatoes at hatiin sa gitna.
2.   Sa isang kaserola, magpakulo ng tubig na may asin.
3.   Kapag kumukulo na ilagay ang hiniwang baby potatoes at hayaang maluto.   I-drain at palamigin sandali.
4.   Sa isang kawali, i-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay.  Hanguin sa isang lalagyan.
5.   I-prito din ang bacon hanggang sa medyo maging tostado at hanguin din sa isang lalagyan.
6.   Sa parehong kawali, ilagay na ang all purpose cream at ang cheese wiz.   Halu-haluin.
7.   Tikman kung tama na ang alat bago lagyan pa ng asin at paminta.
8.   Ilagay ang nilutong marbled potatoes at kalhati ng nilutong bacon.   Haluing mabuti.
9.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natirang bacon at ang toasted garlic.

Ihain na medyo warm.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Sir Dennis masmasarap ba ito kung warm o pwede din yung ilagay sa ref sa baba lang before kainin?Thanks. andrew
Dennis said…
Mas masarap kung warm. Pag nilagay mo kasi sa ref magbubuo-buo yung sauce. Cream at cheese yun di ba? So it's better na warm lang.

Thanks


Dennis
Unknown said…
Hi Sir, Mukhang masarap nga yang ginawa mo. ittry ko yan.. Sana sir Dennis mag post ka rin ng mga panghandaan na kakaiba at samahan mo na rin ng Dessert..thanks and more power..
Dennis said…
Hi again Elizabeth.....You may check the menu on the right side of this blog then click LABEL. Select PARTY FOODS or DESSERTS and it will display all post with this labels. Thanks Again - Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy