PINALABUANG BUTOBUTO



Ang pinalabuan ng Batangas ay ang diniguan naman ng mga taga Maynila.  Sa amin naman sa Bulacan tinumis ang tawag dito.   Pangkaraniwan, laman ng baboy o kung minsan naman ay lamang loob ng baboy ang ginagamit dito.  May ilan na din akong recipes dito sa blog pero ang isang ito ay iba naman.

Nitong huling uwi namin sa San Jose Batangas, nagluto ako nito pero buto-buto o ribs ng baboy ang ginamit ko.   Masarap ang sabaw nito komo mabuto nga ang ginamit.   Try nyo din po.


PINALABUANG BUTOBUTO

Mga Sangkap:
2 kilos Buto-buto o ribs ng Baboy
10 cups Dugo ng Baboy
2 cups CaneVinegar
1 tsp. Pamintang Durog
5 pcs. Siling Pang-sigang
2 pcs. Onion (sliced)
1 head Minced Garlic
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola,igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Ilagay na agad ang buto-buto ng baboy at timplahan ng asin atpaminta.   Hayaan munang masangkutsa.
3.   Ilagay ang suka at muling takman.   Huwag hahaluin para hindi mahilaw ang suka.   Hayaan ng mga 5 minuto.
4.   Lagyan ng mga 1 litr na tubig....takpan at hayaang lumambot ang laman ng buto-buto.
5.   Kung malambot na ang laman, lagyan ng 2 tasang malamig na tubig saka ilagay naman ang dugo ng baboy.
6.   Huwag tigilan ng paghalo para di makulta  o magbuobuo ang dugo.
7.   Timplahan ng magic sarap. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy