SALU-SALO para sa mga BALIKBAYAN

Last June 12, dumating ang pamangkin ng aking asawa na amin ding kumare na si Marissa kasama ang kanyang anak mula sa bansang France.   Before pa sila dumating, napagusapan na namin na magkakaroon ng munting salu-salo para pasasalamat.   Boodle fight ang original plan.   Nakita kasi niya yung kainan namin nung Holy Week at gusto daw niya na ganun din pag-uwi nila ng Pinas.   Hindi natuloy ang boodle fight sa halip ay sa bahay na lang ito ginawa.

Naroon ang buong miyembro ng kaniyang pamilya. Kami man ay maagang umuwi ng Batangas dahil ako ang magluluto ng hipon at alimango na hinabilin niya na lulutuin.   Bale a day before ay ako ang bumili ng mga ito sa Farmers market sa Cubao dahil mahirap makahanap nito sa Batangas.

Dalawang dish lang ang niluto ko.   Itong Butter-Garlic & Lemon Shrimp at itong Crabs in Oyster Sauce.

Komo maaga kaming nakadating ng Batangas, inihalabos na ang alimango at hipon para hindi masira.

Nagluto din ng inihaw na baboy at barbeque ang kapatid ng balikbayan na si Joseph dagdag sa mga pagkaing inihanda.
Nagdala din ako ng itlog na maalat at kamatis dahil tamang-tama kako ito sa mga pagkaing inihanda.

Bukod sa pamilya, may ilang kapitbahay at kaibigan din na dumating para batiin ang mga balikbayan.

Naubos ang handa at nasiyahan ang lahat sa kanilang mga nakain.

Till next :)

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy