SHRIMP in BUTTER-GARLIC-LEMON SAUCE


Sobrang mahal ng bawang ngayon di ba?   Kahit ang luya ang mahal din.   Imagine, P300 per kilo nito sa palengke?   Naging national issue na din nga ito at nagkakaraoon na ng imbestigasyon kung bakit nagkakaraoon ng shortage.

Gayun pa man, hindi napigilan ng mataas na presyo ng bawang itong Shrimp in Butter-Garlic-Lemon Sauce na pinaluto ng balikbayan na pamangkin ng aking asawa na si Marissa.   Kahit 1/4 kilo lang ay bumili ako nito para sa hipon na ito para mas lalo pang sumarap.


SHRIMP in BUTTER-GARLIC-LEMON SAUCE

Mga Sangkap:
2 kilos medium to large size Shrimp
3 heads Minced Garlic
1/2 cup Butter
Juice from 1 pc. Lemon / Lemon zest (ginadgad na balat)
1 thumb size Ginger (cut into strips)
1 large Onion (chopped)
2 tbsp. Brown Sugar
Salt to taste to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang hipon.   Alisin ang matulis na sungot at ang balbas nito.
2.   Sa isang medyo malaki kawali o talyasi, i-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sunod na ilagay ang luya.   Halu-haluin ng mga ilang sandali bago isunod ang sibuyas.
4.   Ilagay na ang hipon at halu-haluin.
5.   Ilagay na din ang katas ng lemon at 1/3 cup na tubig.   Ilagay na din ang lemon zest o ang ginadgad na balat ng lemon.  
6.   Timplahan ng asin at paminta....haluin ng bahagya at saka takpan.
7.   Huling ilagay ang brown sugar.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
salamat sa recipe....e try ko eto//sarap
Anonymous said…
Kailan po ilalagay ung hipon? Wala po sa steps eh.
Thanks,
Sheila
Anonymous said…
Nasaan po ang shrimp?
Dennis said…
Salamat sa pag-puna Shiela.....hehehehe....Oo nga ...yun pa ang nawala sa mga sangkap. hehehehe. Please check inayos ko na.

Thanks again

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy