SWEET CHILI GARLIC WINGS


Here is another dish na pwedeng pang-ulam at pang-pulutan din.   Sweet Chili Garlic Wings.   Sa iba buffalo chicken wings ang tawag dito.   Masarap ito.   Hindi na kailangang isawsaw pa sa sauce o gravy dahil naka-coat na ito dito.

With regards sa sauce o glaze na iko-coat, nasa sa inyo na yun kung ano ang gusto nyong gamitin.   Please note na asin at paminta lang ang itinimpla sa wings kaya dapat masarap talaga ang sauce na gagamitin.   In this version pwede din na honey bee ang gamitin sa halip na asukal.   Mas masarap ang kakalabasan.   Hindi yun ang nagamit ko kasi naubusan na ako.   hehehehe.   Try nyo din po.


SWEET CHILI GARLIC WINGS

Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Wings
1 cup Cornstarch
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying
For the glaze:
1 tbsp. Chili Garlic Sauce (depende sa anghang na nais)
1/2 cup Tomato Catsup
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang mga pakpak ng manok ng asin, paminta at maggie magic sarap.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang cornstarch at mga pakpak ng manok na minarinade.   Alug-alugin hanggang sa ma-coat ang bawat piraso.
3.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at crispy ang balat.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.   Alisin ang lahat na mantika sa kawaling pinag-prituhan.
5.   Ilagay ang lahat ng sangkap para sa glaze at halu-haluin.   Tikman at i-adjust ang lasa.
6.   Ibalik sa sauce ang wing na pinirito.   Halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng piraso.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy