TAPUSAN sa BATANGAS 2014

 Ang buwan ng Mayo ay buwan para sa mga Katolikong Kristyano na magpugay sa ating Mahal na Ina na si Maria.   Sa ibang lugar sinisimulan ito sa 9 na araw na nobena at nagtatapos sa prusisyon o Santa Krusan kung saan inaalala ang pagkatagpo sa krus na pinagpakuan kay Hesus ni Reyna Elena.

Sa ibang lugar naman ay may Flores de Mayo o ang pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen.   Nagtatapos din ito sa isang marangyang sagala ng mga nag-gagandahang kadalagahan sa lugar at pagkatapos ay pag-aalay ng bulaklak.

Sa lugar ng aking asawa sa San Jose Batangas, hindi kagaya ng nasa itaas ang ginagawa nilang pagpupuri kay Maria.   Dito, buong buwan ng Mayo ay nagkakaroon ng pagdarasal at pag-aalay ng bulaklak.   Bawat gabi ay may mga sponsor na namumuno sa pag-aalay ng bulaklak at naghahanda ng pagkain pagkatapos ng alay.

This year, May 30 pa lang ay umuwi na kami ng Batangas at kami naman ang sponsor sa tapusan o ang pinaka-huling araw ng alay.   Hindi na kami nagluto ng handa dahil may 2 kamag-anak na nag-imbita sa kanila dahil pabinyag ng kanilang mga apo.

Naka-ilang bahay din kaming napuntahan at talagang super busog ako sa aming nakain na masasarap na  pagkain.

Pagkatapos ng masarap na tnaghalian, nauna na akong umuwi sa aming bahay para mag-prepare naman sa aking lulutuin na pancit palabok na handa at ipapakain naman namin sa alay sa gabing yun.

Bandang 6pm ay nagsimula ang prusisyon at natapos sa pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen.   Nung una akala ko ay hindi mauubos ang tatlong bilao na pancit at dalawang bilao na puto na inihanda ko.   Dahil sa aking bilang ay parang nasa 40 na katao lang ang nasa kapilya nung gabing yun.   Bukod pa sa marami din ang may handa sa kanilang bahay, baka kako busog pa sila sa mga handa.

Pero wag ka, naubos at nasiyahan ang lahat sa pancit palabok na aking niluto.   Hehehehe

Papaano namang hindi mauubos, kunumpleto ko talaga ang mga sahog at palabok na aking inilagay.

At tinernuhan ko pa ng cheesy puto na ito na binili ko sa palengke ng San Jose, papaanong hindi ito magugustuhan ng marami.   Hehehehe.

Salamat sa Diyos at kay Mama Mary at nairaos namin ng maluwalhati ang alay para sa taong ito.   Lagi kong idinadalangin na sana ay lagi kaming papatnubayan at ilalayo sa mga kapahamakan at mga sakit.   Sana sa mga susunod pa na alayan ay matupad namin ang munting sakripisyo na ito.

AMEN

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy