KIMCHI FRIED RICE version 2 - CHICKEN FLAVOR
Nagustuhan ng asawa kong si Jolly yung unang version ng Kimchi Fried Rice na niluto ko. Kaya naman nitong nakaraang kaarawan ng panganay kng anak na si Jake ito ang hiniling niyang lutuin ko ulit.
Sa original na recipe, sirloin beef talaga ang ginagamit. Sa una kong version, pork naman ang ginamit ko. At para maiba naman, sa version 2 na ito, chicken naman ang inilahok ko.
Mas nagustuhan ng asawa ko yung pork version. Pero siguro depende na lang sa kumakain. Nagustuhan din kasi ito ng mga bisita na pumunta sa party.
KIMCHI FRIED RICE version 2 - Chicken Flavor
Mga Sangkap:
10 cups Long Grain Rice (Jasmin)
2 pcs. Chicken Cubes
500 grams Chicken Breast Fillet (cut into strips)
250 grams Kimchi (cut into small pieces)
250 grams Squid Balls (quartered)
1 cup Green Peas
3 pcs. Eggs (beaten)
1/2 cup Spring Onion (chopped)
3 tbsp. Cooking Oil
1 head minced Garlic
1 large Red Onion (chopped)
1/3 cup Soy Sauce
Salt or Patis to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Isaing ang bigas kasama ang 2 pcs. na Chicken Cubes. Kung mayroon kayong chicken stock o yung pinagpakuluan ng manok mas okay. Gawin ito the night before lutuin ang fried rice. Mainam na malagay muna sa fridge ang nalutong pinalamig na kanin. Kung lulutuin na, himay-himayin ito at tiyaking walang buo-buong kanin.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang squid balls hanggang sa maluto. Hanguin sa isang
lalagyan.
3. I-prito na din ang binating itlog at hanguin din sa isang lalagyan.
Note: Kung may malaki kayong kawali mas mainam. Kung wala naman, lutuin nyo lang ito by batch. hato-hatiin nyo lang ang mga sangkap na gagamitin depende sa bilang ng batch.
4. Sa isang non-stick na kawali i-prito ang chicken fillet sa mantika hanggang sa maluto.
5. Sunod na igisa ang bawang at sibuyas.
6. Ilagay na din ang kimchi, green peas at timplahan ng toyo. Halu-haluin.
7. Sunod na ilagay ang kanin at timplahan ng asin o patis. Halu-haluin hanggang sa ma-coat ng kulay ng kimchi ang lahat ng kanin.
8. Ilagay na ang nilutong squid balls at haluing muli.
9. Tikman at i-adjust ang lasa.
10. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan sa ibabaw ng chopped fried eggs at chopped spring onions.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments