CALAMARES


Ito ang isa sa lasty minute na dish na ipinadagdag ng hipag kong si Lita sa espesyal na tanghalian na kanyang ipinahanda.   Calamares o Crispy Squid Rings.

Dalawang klase ng pusit ang ginamit ko dito.   Una ay yung squid rings na available sa frozen section ng mga supermarket at yung pangalawa naman ay yung fresh pusit na nabili ko sa Farmers market. 

Yung pinaka-katawan lang ang ginamit ko dito.   Yung ulo at parte ng buntot ay hiniwa ko ng maliliit at ginawa ko namang pang-sahog sa pancit Malabon na akin ding niluto.

Masarap ang calamares na ito.   Masarap itong pang-ulam, appetizer o pampulutan man.   Masarap itong isawsaw sa suka na may bawang at asin o kaya naman ay sa thousand island dressings.


CALAMARES

Mga Sangkap:
2 kilos large size Squid o Pusit
2 cups All Purpose Flour
1 cup Cornstarch
3 pcs. Fresh Eggs
Cold Water
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang pusit.   Alisin ang ulo at yung lamang loob kasama na yung tinta o ink sa loob.   Alisin din yung outer skin ng pusit.   Ito yung manipis na parang may print.
2.   Hiwain ito ng pa-ring at ilagay sa isang lalagyan.
3.   Sa isang bowl paghaluin ang harina, itlog, malamig na tubig, asin, pamintya at maggie magic sarap.   Haluing mabuti para maka-gawa ng batter.   Make sure na medyo malapot ang kakalabasan ng batter nyo.
4.   Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang hiniwang pusit at cornstarch.   Alug-alugin hanggang ma-coat ng cornstarch ang bawat piraso ng squid rings.
5.   Mag-pakulo ng mantika sa kawali.   Sapat mga 1 inch o higit pa ang lalim nito.
6.   Ilubog sa batter ang bawat piraso ng pusit at saka i-prito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
7.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain na may kasamang thousand island dressing or suka na may bawang, asin at sili.

Enjoy!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy