CAMARON REBOSADO
Dalawang putahe ang ipinagawang luto ng hipag kong si Lita sa apat na kilong hipon na kanyang ipinabili. Ang unang putahe ay yung may sauce at ang pangalawa naman ay itog ngang Camaron Rebosado.
Ang Camaron Rebosado ay ang Pinoy o Spanish version ng Ebi Tempura ng mga Hapon. Ang pagkakaiba lang nito ay ang sauce na ginagamit na sawsawan.
May nagawa na din akong ganito sa archive. Pero ang maibabahagi ko sa inyo sa version kong ito ay yung kung papaano hindi magke-curl yung katawan ng hipon habang piniprito. Simple lang naman. Ang dapat lang gawin ay hiwaan ng kaunti sa tiyan na bahagi ng binalatang hipon.
Also, ang batter na ginamit ko dito ay yun ding batter na ginamit ko sa calamares.
CAMARON REBOSADO
Mga Sangkap:
2 kilos medium to large size Shrimp (Alisin ang ulo..balatan at hiwaan sa bandang tiyan)
8 pcs. Calamansi
2 cups All Purpose Flour
1 cup Cornstarch
3 pcs. Fresh Eggs
Cold Water
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for Frying
Paraan ng pagluluto:
1. Hugasang mabuti ang hipon...alisin ang ulo....balatan pero itira ang dulong parte ng buntot...hiwaan sa bandang likod at alisin yung parang sinulid na kulay itim. Hiwaan din sa bandng tiyan.
2. I-marinade sa katas ng calamansi, kaunting asin at paminta.
3. Sa isang bowl paghaluin ang harina, itlog, malamig na tubig, asin, pamintya at maggie magic sarap. Haluing mabuti para maka-gawa ng batter. Make sure na medyo malapot ang kakalabasan ng batter nyo.
4. Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang hipon at cornstarch. Alug-alugin hanggang ma-coat ng cornstarch ang bawat piraso ng hipon.
5. Mag-pakulo ng mantika sa kawali. Sapat mga 1 inch o higit pa ang lalim nito.
6. Ilubog sa batter ang bawat piraso ng hipon hanggang buntot lang at saka i-prito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
7. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
Ihain na may kasamang thousand island dressing o catsup na may kahalong mayonaise at kaunting paminta.
Enjoy!!!!

Comments