CHICKEN INASAL using CLARA OLE Marinade Mix
May mga time na gumagamit din ako ng shortcut sa pagluluto. Sa kagaya ko na may 8 hour na trabaho, madalas kinakapos talaga ako ng oras lalo na sa umaga sa paghahanda ng pagkain para sa aking pamilya.
At salamat sa mga ready mix sauces and marinades na nabibili sa market ngayon. Sa pamamagitan nito napapadali ang pagluluto natin ng mga paborito nating putahe. Ofcourse, wala pa ding tatalo sa manu-manong paghahanda nito.
Kagaya nitong chicken inasal na niluto ko nitong nakaraang araw. Nakita ko kasi itong Clara Ole Inasal marinade mix sa supermarket nitong huli kong pag-go-grocery. Na-try ko na ang ibang brand pero gustong subukan itong brand naman na ito.
Okay naman ang resulta. Masarap at malasa ang kinalabasan. Pinahiran ko pa kasi ng Star Margarine ang manok habang niluluto ko ito sa turbo broiler. Try nyo din po.
CHICKEN INASAL using CLARA OLE Marinade Mix
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into half)
1 tetra pack (225grams) Clara Ole Inasal Marinade Mix
Star Margarine
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa kaunting asin at Clara Ole Inasal marinade Mix ng overnight. Mainam na sa plastic nyo ito ilalalagay para pwede nyong mabaligtad at ma-marinade ang lahat na parte ng manok.
2. Ibalot sa aluminum foil ang manok at lutuin sa turbo broiler sa pinaka-mainit na settings.
3. After 30 minutes, alisin sa foil ang manok at patuloy na lutuin pa hanggang sa pumula ang balat ng manok. Pahiran ng star margarine ang manok from time to time.
Ihain na may kasamang sawsawang calamansi na may toyo, suka at sili.
Enjoy!!!!!
Note: Hindi po ito paid advertisment o nagi-endorso ako ng partikular na produkto. Ako ay ordinaryong tagalangkilik din lamang.
ty.

Comments