CHOPSUEY con LECHON KAWALI


Nitong isang araw nagluto ako ng mga 1.5 kilos siguro na liempo at ginawa ko itong lechon kawali.   Niluto ko na lang ito sa turbo broiler para hindi hazzle sa pagpi-prito.   5 lang kami sa bahay kaya naman may natira pa na siguro good for 3 person.   Alanganin na o di na kakasya ito sa 5 kaya ang ginawa ko inilahok ko na lang ito sa gulay o ginawa kong chopsuey.

Okay naman ang kinalabasan at nag-enjoy ang mga bata sa kanilang ulam.



CHOPSUEY con LECHON KAWALI

Mga Sangkap:
500 grams Lechon Kawali (cut into cubes)
1 cup Pork Stock or 1 Pork Cubes dissolved in 1 cup water
3 tbsp. Oyster Sauce
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
Carrots
Baguio beans
Cauliflower
Red Bell Pepper
Chayote
Celery
Pechay Baguio
2 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Sunod na ilagay ang mga gulay na matagal maluto kagaya ng Baguio Beans, cauliflower, etc.
3.   Ilagay na din ang pork stock at timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaang maluto ang gulay.
4.   Kapag malapit nang maluta ang unang batch ng gulay saka naman ilagay ang mga madaling malutong natitira pang gulay.
5.   Timplahan na din ng oysters sauce at brown sugar.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.  Huling ilagay ang lechon kawali at ang tinunaw na cornstarch.  Halu-haluin.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note:   Wala po akong inilagay na sukat o dami ng mga gulay.   Bahala na po kayo kung ano at kung gaano kadami ang gusto nyong ilagay.

Thanks


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy