CRABS in SWEET CHILI-GARLIC SAUCE

Ito ang dalawang Alimango dish na niluto ko sa espesyal na tanghalian na pinahanda ng hipag kong si Lita.   Crabs in Sweet Chili-Garlic Sauce at Alimango sa Gata na may Sitaw at Kalabasa.

Ang original na plano ko ay yung may chili-garlic sauce lang pero sa kahilingan ng host ay gusto daw niya yung may gata kaya naging in two ways ang alimango na ito.  Okay lang naman dahil talaga namang masarap pareho ang luto na ito.

Ang ginawa ko pala dito ay pinasingawan (steam) ko muna ang mga alimango saka ko niluto sa sauce.    Sa pamamagitan nito maiiwasan na lumabas ang taba ng alimango habang niluluto.

Wala akong tulak kabigin sa 2 crab dish na ito dahil parehong masarap.   Hehehehe



CRABS in SWEET CHILI-GARLIC SAUCE

Mga Sangkap:
2 kilos Alimango (Mas mainam kung babae o bakla)
2 tbsp. Lee Kum Kee Chili-Garlic Sauce
2 tbsp. Soy Sauce
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 head Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
2 tbsp. Brown Sugar
1 tbsp. Cornstarch
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   I-steam ang alimango sa kasirolang may tubig at asin.   Palamigin sandali bago hatiin sa gita.
2.   Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
3.   Sunod na ilagay ang toyo, chili-garlic sauce at 1 cup na tubig.   Hayaang kumulo.
4.   Ilagay na din ang brown sugar at timplahan ng asin at paminta.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Ilagay na ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7.   Huling ilagay ang hiniwang alimango at saka haluin para ma-coat ng sauce ang bawat piraso ng alimango.   Hayaan ng mga 2 minuto saka hanguin.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy