CREAMY GINATANG ALIMANGO, SITAW at KALABASA
May mga post na din ako nitong Ginataang Alimango sa archive. Kaya lang di ko talaga matiis na di ko ito ma-post. Itong yung niluto ko dun sa espesyal na tanghalian na pinahanda sa akin ng hipag kong si Lita.
Last minute ang desisyon na magluto ng ganito. Dapat yung with sweet chili garlic sauce lang ang gagawing luto pero humiling ang host na gusto daw niya nung may gata at kalabasa. At yun ang ang ginawa ko. Niluto ko ang 3 kilos na alimango in two ways.
At for extra twist sa ginataang alimango na ito, nilagyan ko pa ng all purpose cream for extra creaminess ng sauce. At tunay ka, napakasarap ng dish na ito.
CREAMY GINATANG ALIMANGO, SITAW at KALABASA
Mga Sangkap:
2 kilos medium size Alimango (steamed and cut into half)
Kakang Gata mula sa isang Niyog
1 tetra brick Alaska Crema
500 grams Kalabasa (cut into cubes)
Sitaw (cut into 1 inch long)
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 head minced Garlic
1 large Onion (sliced)
Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-steam ang alimango hanggang sa maluto. Palamigin at hatiin sa dalawa. Pitpitin din ng bahagya ang mga paa nito.
2. Sa isang kawali na medyo malaki, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika. Halu-haluyin.
3. Sunod na ilagay ang kalabasa at sitaw pati na din ang gata ng niyog.
4. Timplahan ng kaunting asin at paminta. Takpan at hayaang maluto ang gulay.
5. Kung malapit nang maluto ang gulay, ilagay na ang alimango at Alaska Crema. Halu-haluin para ma-coat ng sauce ang bawat piraso na alimango.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
#cremamoments
#mgalutonidennis
Comments