CREAMY PORKCHOPS BISTEK

Thank God it's Friday!!!!   Kaya dapat lang na espesyal ang pagkaing ating ihahanda para sa ating mga mahal sa buhay.   Ako naman ay ganun talaga.   Sinisikap ko na espesyal ang mga niluluto kapag weekend.   Una, nasa bahay lang ang mga bata at nagkaka-sabay-sabay kaming kumain.

Kagaya nitong dish natin for today.   Simpleng Bistek na Porkchops lang ito.  Pero nung nilagyan ko ng twist, naging espesyal ito at mas masarp talaga.   Di ba naman?   Pict pa lang ang nakakagana nang kumain.   Hehehehe.  Try nyo din po.


CREAMY PORKCHOPS BISTEK

Mga Sangkap:
1 kilo Porkchops  (thick slices)
10 pcs. Calamansi
1 cup Soy Sauce
1 head minced Garlic
2 pcs. Large Red Onion (cut into rings)
1 tetra brick Alaska Crema
1 tsp. Fresh crack Black Pepper
1 tsp. Brown Sugar
Salt to taste
3 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang magkabilang side ng porkchops.
2.   Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang sibuyas hanggang maluto ng bahagya.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sunod na i-prito naman ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.  Hanguin sa isang lalagyan.
4.   Ilagay na ang porkchops at 1/2 cup na toyo.   Lagyan na din ng 2 tasang tubig.   Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
5.   Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang 1/2 na cup pa na toyo, katas ng calamansi, brown sugar at pamintang dinurog.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Huling ilagay ang Alaska Crema at haluin ng bahagya.   Huwag hayaang kumulo.
8.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang nilutong onion rings at toasted garlic.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!





Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy