EVERLASTING ng MARIKINA ala DENNIS

Kung may Meatloaf ang mga taga Amerika, Hardinera naman ang mga taga Quezon, Embotido ang mga taga Bulacan, may Everlasting naman ang mga taga Marikina.

Yes, ang dish na ito ay maihahalintulad sa mga dish na nabanggit ko sa taas.   Ang halos magkatulad sa mga ito ay ang hardinera.   Yun lang ang hardinera kasi ay medyo malalaki ang hiwa ng karne.   Samantalang sa everlasting giniling na baboy ang ginagamit.

Sa mga fiesta at importanteng okasyon lang tayo makakakita nito.   Nakakatakam itong tingnan dahil sa dekorasyon o adorno na inilalalagay dito.  Nasa sa inyo na lang kung papaano nyo pagagandahin ang adorno na ilalagay nyo.


EVERLASTING ng MARIKINA ala DENNIS

Mga Sangkap:
1 kilo Lean Ground Pork
1 can Maling Luncheon Meat (cut into small cubes)
2 pcs. Chorizo de Bilbao (cut into small cubes)
1/2 bar Grated Cheese
1 cup Raisins
1 cup Diced Carrots
1 cup Green Peas
2 cups Pineapple Tidbits (1 cup for decor)
 2 pcs. Large Red Bell Pepper (cut into small cubes)
1 pc. Large Red Bell Pepper (for decoration)
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
8 pcs. Fresh Eggs (beaten)
4 pcs. Hard-boiled Eggs
2 cups Flour
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
Margarine

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl paghaluin ang lahat na mga  sangkap maliban sa 1 cup na pineapple tidbits, hard-boiled eggs, 1 pc. na red bell pepper at margarine.  Haluing mabuti.
2.   Lagyan ng margarine ang bottom at side ng mga llanera o hulmahan na gagamitin.  Dapat heat proof ang mga ito.
3.   Lagyan ng adorno o design ang bottom ng mga hulmahan gamit ang red bell pepper, hard-boiled eggs at pineapple tidbits.
Note:   Maaaring mag-steam o mag-prito muna ng kaunti ng pinaghalong mga sangkap para matikman kung tama na ang lasa nito.
4.   Lagyan ang mga hulmahan ng nais na dami ng pinaghalong sangkap.
5.   Balutin ito ng plastic para hindi matubigan kapag ini-steam na.
6.  I-steam ito ng mga 30 hanggang 45 minuto hanggang sa maluto.

Palamigin muna bago i-slice at i-serve.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy