KALABASA FLAN

May dala kaming buong kalabasa nitong huling uwi namin galing Batangas 2 weeks ago at nito lang nakaraang araw ito namin napansin.   Napa-isip tuloy ako kung anong luto ang pwede kong gawin dito.

May nakita pa akong 1 sachet ng Mr. Gulaman at naisip ko agad na bakit di ko gawing dessert ito tutal naman laging naghahanap ng dessert ang aking mga anak.

Simpleng-simple lang kung paano gawin ang dessert na ito bukod pa sa kaunti lang ang mga sangkap na gagamitin.

Also, napansin nyo ba ang hulmahan na aking ginamit?   Lalagyan lang yan o packaging ng moon cake na bigay sa amin.  O di ba naging kapakipakinabang pa ang dapat sana ay patapon na?   Hehehehe.

Try nyo din po.


KALABASA FLAN

Mga Sangkap:
500 grams Kalabasa (balatan, alisin ang buto then cut into small cubes)
1 tetra brick Alaska Crema
1 sachet Mr. Gulaman (yellow)
1 small can Alaska Evap
1 tbsp. Vanilla
Sugar to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, pakuluan ang kalabasa sa 4 na tasang tubig hanggang sa lumambot.   I-drain at palamigin.
2.   Ibalik sa kalan ang pinaglagaan ng kalabasa at lagyan ng mga 3 cups na asukal.  Hayaang kumulo.
3.   I-blender ang nilutong kalabasa kasama ang alaska crema at evaporated milk hanggang sa maging smooth.
4.   Sabay-sabay nang ilagay ang tinunaw na gulaman sa 1 cup na tubig, vanilla at ang binlender na kalabasa sa pinakuluang sabaw na may asukal.   Halu-haluin.   Huwag hayaang kumulo.   Kapag medyo lumapot na patayin na ang kalan.
5.   Isalin sa mg llanera o hulmahan na nais gamitin.   Palamigin.

Maaaring ihain ito na may hiniwang prutas sa ibabaw na medyo malamig.

Enjoy!!!!

#cremamoments
#mgalutonidennis

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy