MY DAILY ROUTINE - Share ko lang
Maraming nag-e-email sa aking at nagtatanong kung chef daw ba ako. Ang sagot ko naman ay hindi. Hindi naman talaga. IT professional po ako. Ito po ang work ko for the past 25 years. Nahilig lang po talaga ako sa pagluluto kaya naisipan ko na din na gumawa nitong food blog.
Gusto ko na rin pong i-share sa inyo ang aking daily routine kung papaano ko napapagsabay-sabay ang aking trabaho at ang pagpo-food blog.
4:00am ay gumigising na po ako. Ako po kasi ang nagpe-prepare ng almusal at babaunin ng aking tatlong anak papasok sa kanilang paaralan. Dapat by 5:00am ay nakaluto na ako para gisingin naman sila at makapaghanda na. Dapat kasi by 6:00am ay naka-alis na sila sa bahay at naghihintay na ang kanilang mga service.
Bukod sa breakfast at baon na aking niluluto, niluluto ko na din ang ulam para sa dinner para hindi ako gahol sa oras dahil mga 7:15pm na din ako nakakadating sa bahay. Pati pala snacks ay ipinababaon ko na din sa kanila.
By 6:30 naman ay naghahanda naman ako para pag-pasok sa aking work. And by 7:15 dapat naka-alis na ako para sa 8:30am na work ko sa Makati.
Hanggang 5:30pm lang ang work ko sa office. Maaga akong umuuwi komo wala ngang kasama sa haus ang aking mga anak na nauuna sa aking makauwi. Tinuruan ko na din ang panganay kong anak na si Jake na magluto ng sinaing para kung ma-late man ako ng dating ay pwede na silang makakain.
May mga pagkakataon na hindi pa ako nakaluto ng ulam for dinner, ang ginagawa ko ay bumili na lang ng luto nang ulam sa mga karendirya na aking nadadaanan.
Nasanay na din ako sa ganitong routine. Mas gusto ko din kasi na pinagbabaon n pagkain ang aking mga anak para matiyak ko na malinis at tama ang kanilang kinakain.
Nakakapagod yes pero kung para naman sa mga mahal ko ay okay na din.
Till next...... :)

Comments
Sana maging kasing sipag nyo din ako pag nagkaroon na ako ng mga anak. =)
-Liezl
- chie
Dennis
Ang dami nga ng nagpapa-ampon sa akin..sarap daw palagi ang ulam namin...hehehehe. Hindi naman...minsan kung ano ano din lang....hehehe