SHRIMP in SWEET LEMON-BUTTER SAUCE

Ito ang isa pang luto na ginawa ko sa hipon sa nakaraang espesyal na pananghalian na ipinahanda ng hipag kong si Lita.   Shrimp in Sweet Lemon-Butter Sauce.

Simple lang ang luto na ito.   Ang masarap sa luto na ito ay yung blend ng flavor ng lemon at yung linamnam ng butter.   Importante din dito yung pag-marinade sa hipon a night before lutuin.



SHRIMP in SWEET LEMON-BUTTER SAUCE

Mga Sangkap:
2 kilos medium to large size Shrimp
1 pc. Lemon (kuhanin ang lemon zest)
1 can Sprite
1/4 bar Anchor Butter
2 tbsp. Brown Sugar
Salt to taste
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 head Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1 tsp. Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang hipon sa Sprite, katas ng lemon at kaunting asin.   Hayaan ito ng overnight.
2.   Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter.
3.   Ilagay ang minarinade na hipon kasama ang pinagbabaran dito.
4.  Ilagay na din ang brown sugar at ang lemon zest.  Halu-haluin saka takpan.
5.   Kung mapula na ang lahat ng hipon, tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarc para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!




Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy