CREAMY ALIGUE PASTA
Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakarang kaarawan ng kapitbahay kong si Ate Joy. Malayo pa ang kanyang kaarawan, iniisip ko na kung ano ngang pasta o noodle dish ang pwede kong lutuin para sa kanya. At naisip ko nga itong Aligue Pasta. Medyo may katagalan na din nung last time na nagluto ako kaya ito agad ang naisip ko gawin bukod pa sa masarap talaga ito at sa mga espesyal na okasyon ko lang inihahanda.
Ofcourse nilagyan ko pa din ng twist ang version kong ito para mas lalo pa itong mapasarap. Ang twist? Nilagyan ko ito ng all purpose cream para mas maging creramy at malasa ang sauce at nilagyan ko din ng crab sticks para dagdag flavor din.
Masarap po ito. Pwede nyo ding i-consider para sa inyong Noche Buena.
CREAMY ALIGUE PASTA
Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti or Linguine Pasta (cooked according to package direction)
4 cups Aligue o taba ng Talangka (available po ito in bottled jar sa mga supermarket)
2 tetra brick Alaska Crema
10 pcs. Crab Sticks (himayin)
5 pcs. Crab Sticks (cut into small pieces for garnish)
2 pcs. Onion (chopped)
2 heads Minced Garlic
4 tbsp. Olive Oil
1 cup Grated Cheese
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuuin ang pasta according to package directions.
2. Sa isang kawali (yung medyo malaki na kasya yung lahat ng pasta pag inihalo na) i-prito ang bawang sa olive oil hanggang sa medyo matusta. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali igisa na din ang sibuyas.
4. Sunod na ilagay ang taba ng talangka o aligue at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin.
5. Sunod na ilagay ang all purpose cream at hinimay na crab sticks.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ihalo na ang nilutong pasta. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat na pasta.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang grated cheese, toasted garlic at ang hiniwang crabs sticks.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments