PORK STEAK in BARBEQUE SAUCE


Every weekend ay espesyal na araw para sa aking pamilya.   Pinipilit ko talagang makapagluto ng espesyal na ulam para sa kanila.    Espesyal pero hindi naman yung gagastos ka pa ng mabigat para sa mga sangkap.

Kagaya nitong pork steak na ito.   Simpleng-simple lang pero ang sarap at para ka na ring kumain sa mamahaling restaurant.   Ang laki ng naitulong nung leftover barbeque sauce na galing ng Racks.   Mas lalong sumarap yung sauce na inilagay ko.   Yummy!!!!!


PORK STEAK in BARBEQUE SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Steak (ito yung parte ng baboy na marble ang itsura ng laman)
1 pouch Del Monte Barbeque Marinade Mix
1 cup Smokey Barbeque Sauce
Brown Sugar to taste
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ng overnight ang karne ng baboy sa asin, paminta at barbeque marinade mix.
2.   Lutuin ito sa turbo broiler hanggang sa maluto.   Pwede ding i-pan grill ito gamit ang stove top griller o i-ihaw sa baga.
3.   Sa isang sauce pan, ilagay ang pinagbabaran ng karne at ang smokey barbegue sauce.   Ilagay din dito ang brown sugar at kaunting asin at paminta.
4.   Pakuluan ito hangang sa lumapot.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng bawat piraso ng pork steak at saka i-serve.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Tanung lang po hindi ba matigas ang karne ng baboy kahit hindi pinakuluan sa tubig? Salamat po.
Dennis said…
Basta hindi masyadong makapal yung karne ay okay lang. Or pwede din ibabad mo muna sa sprite or 7up para lumambot.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy