MY 2nd CHRISTMAS PARTY in 2014
Pasensya na po kung hindi ako nakapag-post kahapon December 15. Medyo busy lang po dito sa in preparation naman para sa aming corporate Christmas party. :)
Last Saturday December 13, nag-attend ako ng aking pangalawang Christmas party for 2014. Dalawang part ang naging Christmas party namin. Ang una ay ginawa sa Philippine Cerebral Palsy Inc. sa Makati at Shanghai Bistro na matatagpuan din sa Makati.
Bago kami pumunta sa unag venue, nag-lunch muna kami sa isang sikat na Chinese Fastfood. Medyo na-late nga kami sa unang venue dahil sa lakas ng ulan.
Pagdating namin sa venue, naka-ready na ang mga bata na regular na pasyente ng center. Medyo naluha ako sa kanilang kalagayan. Ngayon din lang kasi ako nakakita ng mga bata na may ganitong klaseng karamdaman.
Sa kabila ng kanilang sakit, game na game pa din sila sa mga games na inihanda ng mga clowns na in-invite namin. Kahit nakikita mong nahihirapan sila, pero bakas mo din sa mukha nila ang kasiyahan ng kanilang ginagawa.
After ng ilang games ay nag-serve naman kami ng kanilang pagkain. Spaghetti at burgers ng Mc Donald ang aming dinala para sa mga bata.
Matapos ang kainan, inayos muli ang mga bata para sa magic show na inihanda ng mga clowns.
At nang matapos ang programa nagkaroon kami n pagkakataon na magpa-picture kasama ang mga bata. Maliit man ang aming nakayanan pero natutuwa kami dahil bakas sa kanilang mukha ang kasayahan sa aming ginawa. Nilisan namin ang center 4:30pm na at dumiretso naman kami sa Shanghai Bistro sa Paseo Center sa Makati.
Kiddie party ang theme ng part 2 ng aming Christmas Party. Ang lahat ay naka-costume na parang mga bata. Pag hindi kasi nag-costume may multa na P500. hehehehe
May mga games na ginawa para sa lahat na nakakatuwa naman talagang panoorin.
At may group presentation din na kinarir talaga ng bawat group. Hehehehe
At syempre mawawala ba ang kainan pag ganitong Christmas Party? Ang Shanghai Bistro ay isang Chinese Restaurant so expected na mga Chinese dishes ang mga inihahanda dito.
Una sa aming kinain ay itong Curry Fried Rice.
Masarap itong Sweet and Sour Pork.
Hindi ko alam ang pangalan ng dish na ito sa itaas. Pero medyo natatabangan ako sa lasa.
May Pancit Bihon with Squid Balls na nakakalungkot man na squid balls lang ang sahog at kauting gulay. Medyo matigas din ayung noodles niya.
Garlic Fried Chicken was okay. Parang matabang din lang at kulang sa lasa.
Okay naman itong Chicken and Mushroom Soup. Yun lang hindi na masyadong mainit nung ihain.
May Almond and Black Gulaman naman for dessert.
Nabusog naman ang lahat sa aming pinagsaluhan.
After ng masaganang kainan ay nagkaroon ng exchange gift at ang announcement ng mga winners sa games at presentation.
Natapos ang party bandang 9:30 na ng gabi. Masaya kahit nakakapagod. Pero okay lang. Isa na namang bagong karanasan ang naganap sa aking buhay.
MERRY CHRISTMAS po sa lahat!!!!
Comments