OUR 17TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION

Last Saturday January 31, ipinagdiwang naming mag-asawa kasama ang aming mga anak ang aming ika-17 taong anibersaryo ng aming kasal.   At katulad ng mga nakaraang taon hindi maaaring hindi namin ito ipagdiwang kahit papaano.

Sa nakaraang labing-apat na taon hindi ko rin nakakalimutan at nawawala ang bulaklak para sa aking asawang si Jolly.   Ang iba lang siguro sa taong iyo, dati 1 dozen ng rosas lang pero ngayon 2 dozen na.   Hehehehe.   Ginising ko ang aking asawa sa pagbibigay ng mga bulaklak na ito.

Nagluto din ako ng espesyal na almusal at pananghalian para sa kanila.   Sa breakfast nagluto ako ng tapang baboy, sinangag at itlog.    Sa panghalian naman ay itong pan-fried pink salmon in butter at itong steamed broccoli with cheese.


Pumasok pa rin kami sa aming trabaho that day.   Half day lang naman ako at 2pm pa naman ang check-in time sa hotel na aming pupuntahan.

2pm nga ay nag-check-in kami sa Richmonde Hotel sa Ortigas.   Kami lang muna ng akibng mga anak ang nauna sa hotel.   May pasok pa kasi ang asawa kong si Jolly.   Kikitain na lang namin siya sa isang restaurant sa Makati kung saan naman kami mag-e-early dinner.


By 3:30pm ay lumabas muna kami ng hotel at nag-punta sa Shanghai Bistro Restaurant para nga sa aming early dinner.


Nag-order na agad kami at hahabulin pa kasi namin ang 5:30pm na mass naman sa Landmark sa Makati din.

Umorder kami ng Pork Siomai para appetizer.  Mayroon ding Garlic Fried Chicken....Beef with broccoli....Garlic Shrimp..Four Treasure Noodles at Yang Chow Fried Rice.


Sa mga pagkain inorder namin ay itong garlic Shrimp ang aking nagustuhan.   Masarap siya at malinamnam ang sauce.

5:30 nga ay hinabol naman namin ang mass sa 5th Floor ng Landmark sa Makati.   Nun ko lang nalaman na may simbahan pala sa tuktok ng building na ito.

By 8pm ay nakabalik naman kami ng hotel para makagpahinga na.

Late na kami nakatulog nun at late na rin kami nagising kinabukasan.    Nag-ayos na kami at bumaba naman sa 3rd floor nga hotel kung saan naroon ang resto para sa aming almusal.

May kasamang buffet breakfast for 2 yung room na nakuha naming room.    Kaya yung sa mga bata ay na-charged na lang sa aming bill.

Maraming choices sa buffet table at kahit ang aking mga anak ay hindi malaman kung alin ang kukuhanin.    hehehehe.    Kumuha lang ako ng bread at butter.  At ilang slices ng ham, bacon, beef tapa, dumplings at ilag potato fries.

Tinapos ko ang aking breakfast sa 1 slice na casava cake at ilang slices ng prutas.

By 10pm naman ay bumalik na kami sa room at nag-ready naman para mag-swimming.    Hindi sumama ang dalawa kong anak na sina Jake at James.   Manonood na lang daw sila ng tv sa room.    Kami naman ay nag-enjoy talaga sa heated pool na ito ng hotel.


By 12:30 ay nakapag-checkout na kami ng hotel baon ang ngiti at naipagdiwang namin ang araw kung kalian kami ikinasal.

I hope and I pray na tumagal pa ang aming pagsasama sa tulong ng ating Panginoong Diyos.

Amen


Comments

Anonymous said…
Congrats Sir Dennis! isa ka sa mga inspirasyon ko sa pagiging ama lalo na sa pagluluto sa aking pamilya-Andrew =)
Dennis said…
Salamat Andrew....basta may tanong ka mag message ka lang sa akin. regards, Dennis
Anonymous said…
Happy Anniversary po Sir Dennis! Many more happy years to you and your wife Jolly and your wonderful kids...Mommy Marie
Dennis said…
Thanks Mommy Marie....miss ko na ang mga click mo.....hehehehe
Anonymous said…
happy anniversary....GOD bless po
Dennis said…
Salamat....late na ata ang thank you ko.....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy