RAINBOW GELATIN
Nitong nakaraang Chinese New Year gumawa din ako ng isang simple at makulay na dessert ang Rainbow Gelatin. Biglaan din lang ang paggawa ko nito kaya medyo kulang-kulang ang sangkap na aking nagamit. Kung ano nalang ang available yun na lang ang ginamit ko.
Yung iba cathedral window o stain glass window gelatin ang tawag nila dito. Para maiba lang rainbow gelatin naman ang ipinangalan ko.
Para hindi maging matrabaho ang paggawa nito, sa halip na lutuin ko ang ibat-ibang kulay na gelatin, yung jelly ace na paborito ng mga bata na lang ang aking ginamit. Yun lang dapat palamigin muna ng bahagya ang white gelatin bago ito ibuhos sa hulmahang may jelly ace. Otherwise, baka matunaw yung jelly ace na inilagay.
Masarap siya komo may flavor na yung jelly ace. At maganda sa mata ha....hehehehe
RAINBOW GELATIN
Mga Sangkap:
1 sachet Mr. Gulaman (white color)
1 small can Condensed Milk
1 tetra brick All Purpose Cream
2 packs Jelly Ace
Sugar to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola magpakulo ng 3 tasang tubig. 2. Kapag kumulo na, hinaan ang apoy at ilagay naman ang condensed milk at asukal. Halu-haluin.
3. Ilagay na din ang Mr. gulaman powder na tinunaw sa kalhating tasang tubig. Patuloy na haluin.
4. Huling ilagay ang all purpose cream. Haluin mabuti at saka patayin ang apoy.
5. Habang pinapalamig ang white gelatin mixture, ilagay ang jelly ace sa mga hulmahang gagamitin.
6. Ibuhos dito ang white gelatin mixture na niluto.
7. Palamigin hanggang sa ma-set.
I-chill muna sa fridge bago i-serve.
Enjoy!!!!
Comments
Ask lang po.. ang jelly ace po di na kailangan hiwain?