AFRITADANG BANGUS
Nanonood ba kayo ng Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN? May segment dun yung Umagang kay Sarap kung saan nagpapakita sila ng iba't-ibang luto o twist sa mga putahe na nakagisnan na natin. Isa sa nga nai-feature ay yung afritadang bangus.
Nung naguumpisa na ang segment, naitanong agad ni Tita Winnie kung boneless daw ba yung bangus na ginamit at sagot naman nung cook ay hindi. So yun ang agad naisip ko na weakness nung dish. Alam naman natin na masyadong matinik ang isdang bangus. Kaya naman sa version na ginawa ko yung boneless na ang aking ginamit. Bukod pa dun, minarinade ko muna sa calamansi ang bangus para mas maging masarap ang kalabasan. At tama, yun agad ang napansin at nalasahan ng mga naka-kain. Try nyo din po ito, masarap talaga.
AFRITADANG BANGUS
Mga Sangkap:
2 pcs. medium size Boneless Bangus (hiwain sa apat)
6 pcs. Calamansi
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
For the sauce
1 tetra pack Afritada Mix
2 pcs. Potatoes (cut into cubes)
1 pc. Carrot (cut into cubes)
1 pc. Large Red Bell Pepper
1 pc. Chicken Cubes or 2 cups Chicken broth
2 pcs. Tomatoes (sliced)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Medium size Onion (sliced)
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang bangus sa katas ng calamansi, asin at paminta. Hayaan ng 1 oras.
2. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
3. For the sauce: Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
4. Sunod na ilagay ang patatas, carrots at chicken broth. Takpan at hayaang maluto ang patatas.
5. Kung malapit nang maluto ang patatas, ilagay na ang red bell pepper, afritada mix at timplahan ng kaunting asin at paminta. Hayaang kumulo hanggang sa medyo lumapot ang sauce.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ibuhos ang ginawang afritada sauce sa ibabaw ng piniritong bangus,.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments