ANTON'S GRADE 6 GRADUATION DAY

Last Saturday March 27, nag-graduate sa elementarya ang bunso kong anak na si Anton sa St. Therese Private School sa Mandaluyong.

3:30 ng hapon pa lang ay nasa paaralan na kami para sa isang misa ng pasasalamat.   Lahat ay excited sa napaka-halagang araw na ito para sa magtatapos.   Maging ang mga magulang ay todo gayak sa espesyal na okasyon na yun.

Hindi maitago sa mukha ng aking anak na si Anton ang galak sa bawat kuha ko ng picture.   Sabagay hindi biro ang pinagdaanan niya para matapos ang anim na taong elementarya.


At tama lang na isang misa ng pasasalamat ang ginawang umpisa ng kanilang graduation day.

Pagkatapos ng misa ay nagpunta ang mga magtatapos sa kani-kanilang classroom para magsuot ng kanilang mga toga.   Kumpara sa mga nakaraang taon, nagpasadya pa ang paaralan ng sarili nilang toga para sa mga magtatapos.   Nakakatuwa kasi ang ganda nilang tingnan sa bagong toga na ito.

Kita mo sa mukha ng lahat ang saya at kagalakan bagamat bakas mo din ang lungkot dahil magkakahiwa-hiwalay na sila.   Kaya naman sinamantala talaga nila ang pagpapa-picture para maging souvenir nila sa kanilang pagtatapos.

After nun, pumila na sila para sa kanilang martsa ng pagtatapos.   Nakakalungkot lang kasi hindi kasama sa martsa ang kanilang mga magulang.   Tanging ang mga may honor na magtatapos lang kasabay ang kanilang mga magulang.

Hindi ko alam ang rason sa mga namumuno ng paaralan.   Pero para sa akin, dapat ay kasama ang mga magulang sa martsa man lang dahil sila man ay nagsikap para maitaguyod ang pagaaral ng kanilang mga anak.

Maging sa pagtanggap ng diploma at mga award ay yung mga may honor lang ang may kasamang magulang.   Kaya yung mga magulang na walang award ang kanilang anak ay nakuntento na lang sa panonood at pagkuha ng picture.   Sayang nakatodo gayak pa man din ang marami.

Pero nagpapasalamat pa rin ako sa pamunuan ng St. Therese Private School ng Mandaluyog, dahil sa dunong at values na kanilang ibinigay para sa aking anak na si Anton.   Mabuhay po kayong lahat.


Matapos ang pag-aabot ng mga diploma ay naghandog naman ng awit ang lahat ng mga nagtapos.

At pagkatapos noon ay ang pagpapa-picture naman by section kasama ang kanilang guro at ang namumuno ng paaralan.

8:30 na ng gabi natapos ang programa kaya naman gutom na gutom talaga kaming lahat.   Buti na lang at ang restaurant na pinagpa-reserve-an ko ay malapit lang sa school.   Sa Lola Maria Restaurant sa Legend Villas Hotel sa may Pinoeer St. sa Mandaluyong kami nag-hapunan.

First time lang namin sa resto na ito.   It's a buffet dinner.   Mga filipino food ang kanilang sine-serve.   Hindi ko na nakunan ng picute ang pinaka-buffet table dahil sa gutom.

Para sa appetizer, may green salad, honey glaze tofu, crispy kangkong at pizza.   For the main course naman, may kare-kare, lechon paksiw, fish fillet with sweet and sour sauce, chop suey, chicken pastel, pancit bihon at iba pa.   Meron namang halo-halo at leche plan para sa dessert.   Mayroon din palang molo soup at leeks and potato soup.

Masarap yung kare-kare nila.   Tamang-tama ang luto at malambot ang karneng baka na naka-lahok.   Okay din yung pasiw na lechon ng chicken pastel.

Sa dessert, ito yung halo-halo na ginawa ko.   Masarap...tamang-tama sa mainit na panahon.

At bago kami umuwi ay nag-picture-picture muna kami sa lobby ng resto na parang lumang bahay ng mayayaman.   Hehehehe.

Thank you Lord sa napakalaking biyaya na ito para sa aking pamilya.

Amen

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy