BABY BACK RIBS in HICKORY BBQ SAUCE
Medyo busy ang week namin na ito. Last Tuesday ay graduation ng panganay kong anak na si Jake at ngayong araw naman ay graduation din ng bunso ko naman si Anton.
Kapag ganitong may espesyal na okasyon, pinipilit kong maghanda kahit papaano ng espesyal na pagkain para sa aking pamilya. Kagaya nitong dish natin for today. Isang masarap na baby back ribs na tatlong beses kong niluto. Una, pinakuluan ko muna hanggang sa lumambot. Pangalawa, niluto ko naman sa turbo broiler. At pangatlo ay ibinalik ko sa sauce para i-braise naman. Matagal ang proseso pero sulit naman ang kinalabasan. Paraka na ring kumain sa isang mamahaling steak house. Try nyo din po.
BABY BACK RIBS in HICKORY BBQ SAUCE
Mga Sangkap:
About 1.5+ kilos Baby Back Ribs
1 tetra pack Clara Ole Hickory barbeque Marinade
1 head minced Garlic
1 pcs. Chopped red Onion
1 tsp. Ground Black pepper
1 can Calamansi Soda
1 tbsp. Brown Sugar
1/2 cup Soy Sauce
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Hatiin sa dalawa para magkasya ang ribs sa kaserolang paglalagaan.
2. Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang baby back ribs, calamansi soda, toyo, bawang, sibuyas at kaunting asin. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang ribs.
3. Hanguin ang ribs at saka palamigin. Hiwain ito in-between the bones at saka isalang naman sa turbo broiler o oven. I-roast ito ng mga 20 to 30 minutes only.
4. Pakuluin muli ang pinaglagaan ng ribs.
5. Ilagay dito ang Clara Ole Hickory barbeque marinade at hayaang kumulo. Kung medyo malabnaw ang sauce, maaring lagyan ng tinunaw na cornstarch.
6. Tikman ang barbeque sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay dito ang ni-roast na ribs at hayaang ma-braise ng mga 5 minuto.
Ihain habang mainit pa. Maaring lagyan ng buttered carrots and corn sa side.
Enjoy!!!!
Comments