CRISPY SQUID RINGS (CALAMARES)


Minsan talaga yung mga hindi inaasahang problema sa kitchen ay nagrere-resulta pa sa mas maganda at masarap na version g inyong niluluto.

Kagaya nitong calamares na ito na aking niluto last Saturday.  Hindi ko alam na naubusan na pala ako ng harina at cornstarch na gagamitin ko nga para gumawa ng batter para sa calamares na ito.   Yung natira na harina ay parang 2 kutsara na lang at kulang na kulang talaga para sa aking lulutuin.   Naisip ko bigla yung natira ko pang glutinous rice flour na gagamitin ko sana sa pag-gawa ng palitaw o mga kakanin.   At yun nga ang aking ginamit.   Ang resulta?   Mas crispy ang kinalabasan ng aking calamares.  Try nyo din po.


CRISPY SQUID RINGS (CALAMARES

Mga Sangkap:
500 grams Frozen Squid Rings (available ito sa frozen section ng mga supermarket)
2 pcs. Fresh Eggs
2 cups or more Glutinous Rice Flour
Cold Water
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl, paghaluin glutinous rice flour, asin, Maggie magic sarap, paminta, itlog at malamig na tubig.   Kaunti lang munang tub ig ang ilagay at saka haluin mabuti.   Dapat malapot ang batter na magagawa at kumakapit ng husto sa squid rings.
2.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
3.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.

Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawan na suka na may sili at asin o mayonaise na hinaluan ng catsup at kaunting asin at paminta.

Enjoy!!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy