JAKE'S HIGH SCHOOL GRADUATION DAY


Laking pasasalamat ko sa Diyos sa pagtatapos ng aking panganay na anak na si Jake sa High School.   Kahapon March 24, 2015, maaga kaming nag-handa para pumunta sa Aquinas School sa San Juan City kung saan gaganapin ang graduation at isang misa ng pasasalamat.



Maaga pa lang ay kita mo na ang excitement sa lahat lalo na ang mga magulang ng mga magtatapos.    Talaga naman gumayak silan mabuti para sa okasyon.


Eksaktong 8:30 ng umaga ay inumpisahan ang banal na misa at pagkatapos noon ay nagkaroon lang ng ilang minuto para umpisahan naman ang graduation proper.

Habang naghihintay sa oras ng simula, sinamantala namin ang pagkakataon para makapag-picture-an sa harap ng kulay dilaw na stage.   Ang Aquinas School pala ay nagdiriwang ngayon ng kanilang ika-50 taon ng pagkakatatag.   Kaya ang batch ng aking anak ay tinatawag nila na Golden Batch of 2015.

Isa lang ang pwedeng sumama sa ground level ng venue kaya ang asawa ko na lang na si Jolly ang pinasama ko para mag-martsa.    Pumwesto na lang ako sa may taas na bahagi malapit sa stage.   At tamang-tama naman ang aking na-pwestuhan.

Naka-pwesto sa taas ng stage ang lahat ng mga guro at ang mga namumuno ng paaralan.   After ipakilala ng principal ang lahat ng magtatapos ay isa-isa na ding pina-akyat ang mga magtatapos para kuhanin ang kanilang mga diploma.

Ang galing kasi aktuwal na na diploma ang ibinigay sa kanila.  Hindi kagaya noong araw na bialot lang na bondpaper ang inaabot.    hehehehe.


Pagkatapos noon ay ibinigay naman ang mga awards.   At after noon ay umawit naman sila ng kanilng graduation songs.

Pagkatapos noon ay isa-isa naman silang lumapit sa kani-kaniyang magulang para abutan ng rosas.


Nakakatuwa dahil damang-dama mo talaga ang tuwa at saya ng mga batang nagtapos.

Syempre after ng programa, sinamantala naman ng mga nagtapos ang pagkakataon para magpa-picture pa dahil alam nilang maghihiwa-hiwalay na sila.


2pm na din natapos ang program.   Gutom kaming lumisan sa paaralan at dumiretso kami sa isang restaurant sa Robinson's Magnolia.

Sa Man Hann kami kumain.   Nag-order kami ng siomai, beef brisket with rice ang anak kong si Jake.   Beef with broccoli naman ang asawa kong si Jolly, chop suey ang aming kasamang driver at beef wonton noodles naman ang sa akin.

Kahit pagod sa halos maghapong aktibidad para sa graduation ng aking anak, pero lubos pa rin ang aking kasiyahan sa lahat ng nangyari.   Proud ako na napatapos ko ang aking anak sa kabila ng hirap ng buhay ngayon.

Dalangin ko na sana ay bigyan pa ako ng lakas at magandang kalusugan para maitaguyod ko pa ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo.  Alam ko naman na hindi ako papabayaan ng Diyos.

Amen

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy