LECHON MACAU ala Dennis


Espesyal para sa aking ang weekend.   Bukod kasi sa nasa bahay ang mga bata, time ko din ito para makapag-pahinga at makatulog sa tanghali.   Kaya naman hanggat maaari ay nagluluto ako ng espesyal na ulam para sa aking pamilya.

Last Saturday nagluto ako nitong Lechon Macau.   Basically ang Lechon Macau ay para din lang Lechon Kawali natin.   Ang pagkakaiba lang nito ay yung mga spices na inilalagay habang pinapalambot ang karne at habang niro-roast ito.

Medyo mahaba-haba ang proseso ng pagluluto nito pero okay lang dahil sulit naman talaga sa lasa kapag kinakain nyo na.  

Also, in this version 3 beses ko bale niluto ang pork belly.   Nakukulangan kasi ako sa lutong ng balat kaya pinirito ko pa.   Pwede din namang 2 lang kung happy na kayo after ma-roast ito.   Try nyo din po.


LECHON MACAU ala Dennis

Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba....hatiin sa dalawa)
2 pcs. Star Anise
2 pcs. Dried Laurel leaves
1 tsp. Pepper Corn
1 pc. Large Onion (quartered)
1 tsp. 5 Spice Powder
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang pork belly, star anise, dahon ng laurel, pamintang buo, asin at lagyan ng tubig.   Dapat lubog ang karne sa tubig.   Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne.
2.   Hanguin at palamigin ang karne.   Kapag malamig na, tusuk-tusukin ng tinidor ang balat na parte ng karne.    Mas maraming tusok mas mainam.
3.   Hiwain ng mga 1/2 inch ang pagitan ang balat ng nilutong pork belly sagad hanggang sa may laman na parte.
4.   Pahiran ito ng pjnaghalong asin at 5 spice powder.   Hayaan ng mga 30 minuto.
5.   Lutuin ito sa turbo broiler sa pinaka-mainit na settings hanggang sa maluto at mag-pop na ang balat.
6.   Palamigin muna bago hiwain ng pa-cubes.

Ihain na may kasamang Mang Tomas Sarsa ng Lechon o pinaghalong suka, toyo at calamansi.

Enjoy!!!!

Note:   Kagaya ng nabanggit ko sa itaas, kung hindi kayo kuntento sa lutong ng balat, pwede nyong i-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maging crispy ang balat nito.

TY




Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy