PAN-GRILLED CHICKEN FILLET with HICKORY BBQ SAUCE

Na-try nyo na ba itong product ng Clara Ole na Hickory Barbeque Marinade (free advertisement ito ha...hehehehe)?   Nung unang beses kong nagamit ito sa pagluluto ng pork belly, nagustuhan ko talaga at ng aking pamilya yung lasa at yung smokey taste ng karne.   Ito yung lasa ng barbeque na gusto ko.   Kaya naman sinubukan kong gawin din ito sa chicken fillet naman.   Last Sunday kasi kumain kaming pamilya sa World Chicken at dito ko naisip na gamitin din ang marinade mix na ito as a sauce sa pan-grilled na chicken fillet.   As expected masarap ang kinalabasan.   Yummy!!!!




PAN-GRILLED CHICKEN FILLET with HICKORY BBQ SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast Fillet (skin on)
1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade
1 pc. Lemon
1 pc. White Onion (sliced)
1 head Minced Garlic
1 tbsp. Brown Sugar
1/3 cup Soy Sauce
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Gamit ang  kitchen mallet, pitpitin ang bawat piraso ng chicken breast fillet hanggang sa nais na nipis.
2.   Timplahan ito ng asin, paminta at katas ng lemon.   Hayaan ng ilang sandali.
3.   I-grill ito sa isang non-stick na kawali hanggang sa medyo pumula ang magkabilang side.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.   For the sauce:   I-prito ang bawang sa mantika hanggang sa matusta o mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
5.   Sunod na ilagay ang sibuyas.   Halu-haluin.
6.   Ilagay na din ang toyo, 1/2 cup na tubig, brown sugar at Clara Ole Hickory Barbeque marinade.  Halu-haluin hanggang sa kumulo.  Hinaan ang apoy.
7.   Timplahan ng kaunting asin at paminta.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Sa bawat piraso ng chicken fillet na niluto, magbuhos sa nais na dami ng ginawang sauce at lagyan ng piniritong bawang sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy