PINAKBET na may INIHAW na BABOY


Parang ordinaryo lang para sa atin ang pinakbet o pakbet pero nagiging espesyal ito depende sa kung ano ang ating isasahog at syempre good quality dapat ang bagoong alamang na gagamitin.   Yung iba nga nilalagyan pa ng hipon o kaya naman ay lechong kawali.   Ganun ang ginagawa ng mga kababayan natin sa Ilocos.

Ako naman left over na inihaw na baboy (pan-grilled) aking inilagay.   Tamang-tama yung lasa ng karne at dagdagan ko pa ng masarap na bagoong alamang.   Masasabi ko na ito ang isa sa mga best pinakbet na ginawa ko.   Yummy!!!!


PINAKBET na may INIHAW na BABOY 

Mga Sangkap:
Gulay para sa Pinakbet (Kalabasa, sitaw, talong okra, ampalaya, etc.)
Inihaw na Baboy (leftover..hiwain sa nais na laki)
3 tbsp. Bagoong Alamang
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.   Halu-haluin.
2.   Sunod na ilagay ang hiniwang inihaw na baboy.
3.   Lagyan ng kaunting tubig at hayaan ng mga limang minuto.
4.   Ilagay na ang mga gulay at bagoong alamang.   Halu-haluin.
5.   Takpan at hayaang maluto ang gulay.
6.   Tikman ang sabaw saka timplaha ng asin at paminta.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy